STORY 17: THE REVELATION

2 0 0
                                    

THE REVELATION

I remembered what our Pastor said about the coming of Jesus Christ. I'm in the fifth grade that time when he told us about the near coming of Jesus.

First natakot kami of course bata pa kami noon nang mag kwento siya about sa 666 which is a mandatory of an evil.

"May isang pamilya na sobrang nagugutom na at wala ng makain dahil sa nangyayaring kaguluhan sa kanilang lugar."

Natahimik kami nang magsimulang mag kwento si Pastor Sam.

"Pastor ang padre de pamilya nila, marami siyang anak at may mga apo narin, despite for being a good leader he's also a good father to his family. Alam niya ang nangyayari sa lugar nila, alam niyang dadating ang araw na mangyayari ang kinatatakutan nila, No not him...hindi siya takot na mangyari ito because he is a son of God at malaki ang tiwala niya na maililigtas siya ng Panginoon."

Tahimik lang kaming nakinig sa kwento ni Pastor Sam.

"Pumila ang pamilya nila sa mahabang pila dahil namimigay ng relief goods ang pamahalaan. Nakita niya kung paano pinutol ang ulo ng kasamahan niya sa simbahan nang hindi ito pumayag na magpatatak ng 666. Aalis na sana sila ng kanyang pamilya nang pigilan sila ng mga sundalong may tatak na tatlong numero, numero ng demonyo."

"Sila na ang susunod sa pila kinabahan siya ngunit alam niyang ililigtas sila ng Diyos, sinabihan niya rin ang kanyang pamilya na kahit anong mangyari ay huwag mag papatatak ng numero. Ngunit iba ang naging resulta, siya ang tinanong sapagkat siya ang padre de pamilya."

[" Magpapatatak ka ng 666 o puputulin ko ang ulo ng anak mo"] tanong nung isang sundalo habang dinidiinan ng espada ang leeg ng kanyang panganay na anak.

"Napatitig siya sa kanyang anak na ngumiti"

["Pa, alam kong ililigtas ako ng Diyos...wag kang mag alala"] sabi ng anak niya na isang ring Pastor  ng simbahan nila.

"Napapikit nalang siya nang marinig ang iyakan ng pamilya niya. Nasa kan'ya nakasalalay ang buhay ng bawat meyembro ng Pamilya niya"

["Hindi kayo maililigtas ng Panginoon niyo sa gutom! Magugutom kayo o di kaya'y mamatay lahat ng pamilya mo kung hindi ka papayag na magpatatak"] sigaw ng isa pang sundalo habang hinihila ang pangalawa niyang anak.

[" Magpapatatak ka o hindi!"]

"Hindi sumagot ang Pastor dahil alam niyang maililigtas sila ng Diyos, hanggang sa pinugutan ng ulo ang mga anak at apo niya"

"Dumako ang tingin niya sa dalawang pamilya na natira sa kanya, ang kanyang asawa at ang kanyang pinakapaboritong apo"

"Gan'on din ang ginawa ng mga sundalo, kung sundalo nga bang maituturing. Pinugutan ng ulo ang asawa niya nang hindi parin siya pumapayag sa kagustuhan nila"

"Dalawa nalang silang natira ng apo niya. Tanging pag iyak nalang ang maririnig niya nang kuhanin sa kanya ang pinakamamahal niyang apo. Hindi niya magawang tingnan na pupugutan ng ulo ang paborito niyang apo  sa murang edad"

["Sandali! Magpapatatak na ako, huwag niyo lang sasaktan ang aking apo"] naiiyak na saad ng Pastor habang niyayakap ang apo niya.

["Patawad Panginoon ko, hindi ko maatim na makitang mamatay ang pinakamamahal kong apo"] mahina niyang dasal habang tinatatakan siya ng numero sa kan'yang noo.

"Ayon ang nangyari sa kanila, ginawang patibong ang kanyang pamilya para siya ay mapapayag" rinig kong sabi ni Pastor Sam.

Nakakainis! Bakit niya nagawa iyon? Namatay na halos lahat ng meyembro ng pamilya niya pero doon siya napaghinaan sa apo niya.

"Kahit anong mangyari, kahit ano paman yan... huwag kayong magpapatatak ng numerong iyon. Dahil kahit gaano ka pa ka banal kung nagpatatak ka ng numerong iyon ay hindi ka maililigtas ng Panginoon" sabi ni Pastor at isa-isa kaming tiningnan.

"Itatapon kayo sa apoy na lawa at doon kayo magdudusa. Hindi kayo kailan man ililigtas ng Diyos sapagkat kayo ay naging makasarili at hindi sinunod ang nakasulat sa banal na aklat" pagtatapos ni Pastor sa k'wento niya.

Nanindig ang mga balahibo ko sa kwentong iyon.

"At alam nating dadating ang panahon na mangyayari muli iyon." dagdag pa ni Pastor.

-----

Lumabas ako ng kwarto para kumain nang marinig kong nag uusap si Ate at si Lolo.

"Kahit mamatay pa ako hinding-hindi ako magpapatatak ng 666 na 'yan. Ang Diyos na ang bahala sa lahat" rinig kong sabi ni Lolo.

-----

Nagising ako isang umaga at sobrang ingay ng mga tao sa labas.

Lumabas din ako at nakita ko si Lolo na paparating sa gawi ko.

"Pumasok kayo at isarado ang lahat ng pinto at mga bintana" rinig kong sabi niya.

Nagtaka ako sa inasta ni Lolo. Bakit? Anong nangyayari?

Sinunod namin ang utos niya.

"Nangyayari na."

Kumunot ang noo ko at binalingan ko si Lolo na nagbabasa ng Bibliya.

"Nangyayari na ang ika-anim na silyo... Nangyayari na" saad niya

"Lolo bakit po? Ano po yun?" takang tanong ko.

"Nangyayari na ang ika-anim na silyo. Nasa ikaanim na silyo na tayo apo. Hindi na pahihintulutan ang mga tao na bumili o magbenta kung walang tatak na 666 sa kanilang kamay o noo."

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig, parang kahapon lang nang mag kwento si Pastor Sam about sa 666 na 'yan.

"Hindi n'yo ba naiisip kung bakit nag karoon ng Corona Virus? Iyon ay tanda na nasa ikaanim na silyo na tayo. Marami ng nangyayaring kaguluhan sa ating mundo, ang mga lindol at kung ano-ano pang mga sakuna. Tanda na iyon ngunit nakakalungkot sapagkat bulag ang mga tao sa nangyayari at sa posible pang mangyari" sabi ni Lolo.

"At pagkatapos po ng ikaanim na silyo, Lolo?" tanong ko.

"Ay ang pagbabalik ni Kristo"

That creeps the hell out of me. We are now living in 6th seal of Revelation. The disaster like earthquakes, thunder and volcanic eruptions are the signs! And also the virus that they called Covid-19! Mga senyales na iyon!

Nakakalungkot ngang isipin na parang walang kamuwang-muwang ang mga tao, bulag sila sa nangyayari sa mundo.


-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now