Hindi nila kilala ang kanilang mga kasama sa silid. Walang ingay na naririnig sa apat na sulok ng silid. Naghihintay nang himala para mabuksan ang pinto. Well, nakulong lang naman ang lima sa science lab. Natapos ang katahimikan ng magreklamo ang isa."Kung hindi tayo inutusan ni Ma'am Serio, wala sana tayo dito. Wala man lang nakapagsabi na sira pala ang pinto na yan. Patay na bangkay pa naman ang cell phone ko."
"Miss na isa,maaari bang patahimikin mo ang isang yan. Ang sakit sa tenga ng boses niya," reklamo ng lalaki.
"Hoy! Kung sumasakit ang tenga mo hindi ko na kasalanan iyon. Huwag kang makinig para tapos ang problema mo. May pa hikaw-hikaw ka pa sa kaliwang tenga ang sakit naman sa mata."
"Pumikit ka kung -------"
"You two, can you shut up!" dumagundong sa buong silid ang sigaw ni Kelvies. "Kelv ang ingay kasi ng babaeng 'yon."
"Hoy! Anong ako? Ikaw----"
"Dame tama na," awat ni Nieve sa kaibigan niya. Tumahimik muli ang buong paligid. Tumayo si Brylian na kanina pa tahimik.
"Dude, san ka pupunta?" tanong ni Hellix.
"May kukunin lang." May nakita siyang plastic bottle sa gilid ng mesa. Kinuha niya ito at niyaya ang mga kasama na maglaro para palipasin ang oras. Tumayo si Kelvies na napipilitan. Pumunta silang tatlo sa gitna at bumuo ng bilog.
"Kayong dalawa kasali kayo," saad ni Brylian.
"Gusto pa ata nang invitation."
"Excited ka? Excited." Nang makaayos na ang lahat nagsimula nang magpaliwanag si Brylian. "I know that this game 'truth or dare' is not new to all of you. Let's put a twist. We have three options," he paused.
'Lord dumudugo na po ang ilong ko. Sana gamitin niya na ang aming sariling wika,' anang isip ni Dame.
"Una, kapag hindi mo ginawa at may hindi ka sinagot hahalikan ni Hellix sa labi."
"Ano!" gulantang sigaw ni Dame. Ngumisi naman si Hellix.
"Kung ayaw mo sa unang option heto ang pangalawa. Bibigyan mo ng 500 pesos ang bawat kalahok."
"Mamumulubi tayo rito Niyebe," bulong ni Dame.
"Ano ang pangatlo?" tanong naman ni Nieve. "Pangatlo, manlilibre ka kapag nakalabas na tayo rito."
Nagsisi ang dalawa dahil pinatulan nila ang larong ito. Sinimulan nang paikutin ni Brylian ang bote at huminto naman ito kay Hellix. "Truth or Dare?"
"Dare."
"Sayawin mo ang spaghetti pababa, pababa nang pababa." Tumayo naman si Hellix at ginawa ito habang kumakanta.
"Spaghett'ng pababa,pababa ng pababa." Kahit anong pigil nilang tumawa hindi parin nila nagawa na pigilan ito. Hindi nila ikakaila na malambot ang katawan nito na parang sanay na sanay sa pagsasayaw.
"Ang galing kong sumayaw." Umupo uli ito at kinuha ang bote.
"Ehem! Question lang, bakla ka ba?" pinigilan ni Dame na huwag tumawa.
"Gusto mo nang option one?"
Tinaas ni Dame ang kamao niya dahil sa tanong ni Hellix. Pinaikot ni Hellix ang bote at huminto naman ito kay Dame. "Truth or dare?"
"Truth."
"Ayaw mo nang dare? Naduduwag ka?"
"Wala akong tiwala sayo" sagot nito. "Ouch! Btw, anong pangalan mo? Full name."
"Yan talaga ang itatanong mo?"
"Ayoko nang mag-isip. Sagutin mo na lang."
"Hail Dame Abelard."
"Welcome to Hell-ix, Hail."
"Che!" Pinaikot ni Dame ang bote at tumapat ito kay Brylian. "Truth or dare?"
"Truth."
"Anong full name mo?"
"Gaya-gaya ka rin" paratang ni Hellix. "Wala kang pakielam."
"Brylian Welman." Binigay ni Dame kay Brylian ang bote at pinaikot. "Truth or dare?" tanong niya kay Nieve.
"Dare" matapang na sagot ni Nieve. Nagwagi naman si Brylian dahil umayon ang gusto niya. "Magiging girlfriend ka ni Kelvies sa loob ng apat na buwan."
"What?"
"Ano?"
"Kung hindi mo gagawin mamili ka na lang sa tatlong option."
"First option ang piliin mo," sabat ni Hellix.
"Huwag mong piliin yung una" sabi ni Dame at tinapunan nang masamang tingin si Hellix.
"Are you serious about that, Welm?" tanong ni Kelvies.
"Yeah." Napailing na lang ito sa sinagot ng lalaki.
"What's your decision?"
"Pwedeng tatlong buwan lang?" tanong niya rito. Wala siyang dalang pera at panlibre. Bahala na si Cat woman.
"Ok. Deal."
"Deal."
That's the purpose of this game.
–x–x–x–x
Ps: Ibalik ko lang sa dati yung prologue ehe. Doon kasi sa isang app na pinag u-update-an ko 'yan pa rin ang gamit ko. Hindi ko pinalitan.

BINABASA MO ANG
"Chemistry of Love" (Senior high Series #1) - Under Revision
Fiksi RemajaABM X STEM When a Senior High Student gets into a 'fake relationship' will there be a real feeling? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She has no boyfriend since birth. But what if one day, her status of 'single' will turn into an 'in a r...