NAKATITIG lang ako sa kabaong ni lolo na unti-unting binababa sa lupa.
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang mararamdaman ko. Wala na akong luhang maiiyak. Walang tinig na lumalabas sa bibig ko. It's like I can't feel anymore.
I was brought to the present when my mother tapped my shoulder.
She smiled at me painfully. "Ihagis mo na 'yang bulaklak. Palayaan mo na ang lolo mo," sabi niya.
Ako na lang pala ang may hawak pang bulaklak. Tinignan ko ang kabaong ni lolo na ngayon ay natatabunan na ng maraming bulaklak.
Can I just jump there and go with him? What's the meaning of life without my beloved grandfather who always spoils mo? How can I live without him?
"Lolo, sabi mo ay sasamahan mo akong mamasko. Sabi mo magpapa-letchon ka pa sa seventh birthday ko, pero bakit nawala ka na bago mag-Pasko, bago ang birthday ko?" tanong ko.
Hinaplos ni lola ang ulo ko at doon tumulo ang luha ko. Akala ko ay hindi ko na kaya pang umiyak dahil balde-baldeng luha na ang naiyak ko.
"Madaya ka, lolo. Madaya ka," sambit ko bago hinagis ang bulaklak.
I don't want to let him go, but I need to. My grandfather is dead, but I'll always be lolo's boy.
Tulala lang ako pagkatapos no'n. Namalayan ko na lang na natabunan na pala ng lupa ang kabaong ni lolo at kailangan na naming umalis.
"Magba-banyo lang po ako, 'nay." Tinanguan lang ako ni nanay.
Kung nasasaktan ako ngayon dahil sa pagkawala ni lolo, alam kong mas nasasaktan silang dalawa ni lola.
I looked at the sky. Can you come back home, lolo?
Pumunta ako sa banyo at umihi. Pagkalabas ko, may nakita akong isang batang babae na parang kaedad ko lang din. Palingon-lingon siya na para bang siya ay nawawala.
"Are you lost?" I asked.
She nodded. "Hindi ko alam kung saan 'yung labasan. Hinihintay na ako ni mama," sagot niya.
"Sumabay ka na sa akin." I smiled at her. "Ano pala ang pangalan mo?"
She smiled at me and her eyes twinkled. "I'm Janine. Ikaw?"
"Ako si Aiden," sagot ko.
Dahil malayo-layo pa naman ang labasan, nagtanong muna ako sa kan'ya.
"Ano pala'ng pinunta mo dito?"
"Dinalaw ko 'yung lolo ko," sagot niya nang nakangiti. "Ikaw? Siguro may nilibing, 'no? Namamaga 'yung mga mata mo, eh."
Tumango naman ako. "Nilibing 'yung lolo ko."
"Condolence, ah." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo ba na kapag may nawawala ay may dumarating?"
Tinitigan ko lang siya at hindi ako sumagot.
"Alam mo kung bakit? Hindi kasi hinahayaan ng Diyos na maging malungkot tayo kapag nagpapadala siya ng kapalit. Dati, nawala 'yung favorite teddy bear ko, napalitan naman 'yon nang mas magandang teddy bear," kwento niya.
I looked at the sky.
"Bakit pa may kinukuha si Lord kung ayaw niya tayong maging malungkot? Hindi ba dapat hindi na lang siya kimuha para hindi na tayo malungkot at hindi na siya magpadala ng kapalit?" tanong ko.
Napakamot siya sa batok niya na parang hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko.
"Ah, basta! Kapag oras mo na talaga, oras mo na. Ganon! Maghintay ka lang at matatanggap rin ng pamilya mo 'yung kapalit ng lolo mo." Pinisil niya ang kamay kong hawak niya. "Doble ang sayang maibibigay ng kapalit na 'yon sa inyo."
Natatanaw ko na ang gate ng sementeryo. Malapit na kaming maghiwalay.
She got a candy from her pocket and put it on my hand. "Ito, kainin mo. It will lift your mood up."
Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya.
I want her to hold my hand all the time.
May tinuro siyang dalawang babae sa may gate ng sementeryo. "Nandoon na ang mama at lola ko. Bye, Aiden. I hope that we will see each other soon!" sambit niya bago tumakbo papalapit sa mama at lola niya.
Ako naman ay naiwang nakatayo habang nakatingin sa kan'ya. Ilang sandali a ay umalis na sila ng sementeryo.
I just stared at the piece of candy that she put on my hand.
"Aiden, tara na!" tawag sa akin ni tatay.
Habang nasa sasakyan kami, hinawakan ni nanay ang kamay ko. "Magkakaroon ka na ulit ng kapatid," sabi niya.
Tinignan ko ang kapatid kong lalaki na natutulog sa bisig ni lola.
"Buntis ka, 'nay?" tanong ko at tumango naman siya.
Siguro nga ay may dumarating kapag may nawawala, kapag may umaalis.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...