Chapter 21

8 2 2
                                    


SMILING widely, I entered our office. Dala-dala ko ang isang maliit na bouquet ng bulaklak at dalawang cup ng kape na paborito ni Janine.

I'm now starting to court Janine. Kahit ko pa nasasabi sa kan'ya na manliligaw ako, sinisimulan ko na. Mamaya ko pa lang siya tatanungin kung pwede akong manligaw.

Kung hindi siya pumayag, liligawan ko pa rin siya. I need to pursue her and get her trust. Kailangan ko ring makuha ang matamis niyang "oo" para maging mag-boyfriend-girlfriend na kami officially. Hindi na ako papayag na mutual understanding lang ang meron kaming dalawa.

I want label. 'yung label na pwede mong sabihin sa iba para malaman nila na akin na talaga si Janine at kay Janine naman ako. Kapag kasi sinabing mutual understanding ay pareho lang ng feelings pero hindi pa official.

Paano ko nga ba nalaman na gusto ko na siyang ligawan? Nagising na lang ako kanina na motivated na motivated na ligawan si Janine. Para bang sinabi sa 'kin ni Lord na ngayon ang perfect day para simulan ang panliligaw ko kay Janine.

I placed the bouquet of flowers on her desk. Inilapag ko rin ang mainit na kape doon para makita niya kaagad pagdating niya. I sposted a post-it note near the coffee that says "good morning, my love."

Ilang minuto lang ay dumating na si Janine. Her brows furrowed when she saw the bouquet and coffee. She raised the post-it note and read what's written on it.

Bumaling sa akin ang tingin niya. Agad ko naman siyang kinawayan. Napa-iling-iling na lang siya sa akin.

Nilapitan niya ako, dala-dala ang coffee na binigay ko sa kan'ya. "Thank you for the coffee and for the flowers," she said and sipped on the coffee.

"No worries," I said and winked at her. "Anything for you."

A smile crept on her face, but she tried to maintain a straight face. Ako naman ay napangiti na lang din.

"Did you have a good night sleep?" I aske her.

Tumango naman siya. "I feel so energized."

"Ako rin. Ang sarap nga ng tulog ko kagabi kasi napanaginipan kita," saad ko.

"A-anong panaginip?" she asked, slighty blushing.

"Bakit namumula ka? Panaginip ang sabi ko, ah, at hindi wet dream. Nagkaiba 'yon, ah," tukso ko sa kan'ya.

Bigla kasi siyang namula nang sabihin kong napanaginipan ko siya kaya baka iniisip niya na nag-wet dreams ako. Hindi naman ako ganoong tao, 'no. I respect her kaya hindi ko siya iniisipan nang bastos.

"I-I didn't say anything like that!" she said, slightly raising her voice. "D'yan ka nga!" She marched to her cubicle.

Napatawa na lang ako. Napakadali niya talagang mapikon. Hindi pa rin siya nagbabago. She's still so cute when pissed.

Sumunod naman ako sa cubicle niya. Susuyuin ko siya dahil baka hindi na ako pansinin ng isang 'to maghapon.

"Baby, 'wag ka nang magtampo," paglalambing ko kay Janine.

"Anong 'baby?' Nahihibang ka na ba, Aiden?" singhal niya sa akin.

"'Wag ka na kasi magtampo. Nagbibiro lang ako, eh."

Inirapan niya lang ako. I find the way she rolled her eyes to me sexy. I shook my head.

"Janine?" I called her in a sweet tone.

"Hm?" she hummed while browsing through her schedule.

"Pwede ba akong manligaw?" diretso kong tanong sa kan'ya.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon