Special Chapter

30 2 0
                                    

JANINE

I GRABBED my bag bago ako humalik sa pisngi ni mama.

“Aalis na po ako, ’ma,” paalam ko sa kanya.

“Susunduin ka ba ni Aiden?” tanong niya.

“Opo, ’ma. Dala niya po yung bago niyang kotse,” sagot ko bago lumabas ng bahay.

Dumiretso muna ako sa 7-Eleven para bumili ng snacks. Kakaalis pa lang ni Aiden sa bahay nila pero dahil excited ako ay lumabas na ako ng bahay namin.

Napangiti ako nang makita ko ang sasakyan ni Aiden. I opened the door. Dapat ay siya ang magbubukas, pero hindi ko na siya pinababa pa ng kotse para buksan ang pinto.

“You should have let me open the door for you,” sabi niya.

I smiled. He’s still a gentleman. Isa ang pagiging gentleman sa mga characteristics niya na nagustuhan ko. He never wants to disrespect me so he’s being a gentleman to me like his life depends on it.

“No need. Kaya ko namang buksan ang pinto nang mag-isa,” sagot ko.

I hugged his arm. Ramdam na ramdam ko ang katigasan ang braso niya.

My cheeks heated up. He is getting buff as days pass by. Hindi na siya yung payat na Aiden no’ng highschool pa lang kami.

I sniffed his perfume. He smells so manly. Hindi masakit sa ilong ang pabango niya na gustong gusto ko. He never uses smelly perfume. Tama lang lagi sa taste ko ang pabango na ginagamit niya.

“You smell so good,” sambit ko. I even closed my eyes as I smell his perfume.

“You always say that,” ani niya. Inilabas niya ang perfume sa compartment ng kotse at ini-spray ito sa aircon. “Pwede mo naman akong i-smell all day though. I like you smelling me.”

Kumalat ang amoy ng pabango niya sa kotse. Buti na lang at hindi siya gaya ng ibang lalaki na sobrang sakit sa ilong ng pabango. Major turn off pa naman sa ’kin kapag hindi mabango o kaya naman ay masakit sa ilong ang pabango.

Iniangat niya ang ulo ko at hinalikan ako sa labi. My cheeks heated up, my heartbeat went fast, and I suddenly felt butterflies flying in my stomach at the same time.

Sobrang gwapo talaga ni Aiden. Gustong gusto kong titigan ang mukha niya. His sharp nose, chinito eyes, and red lips perfectly suit him. Para bang paborito siya ni Lord.

Ibinutones ko ang pangalawang botones ng suot niyang polo. “You can’t show your sexy chest to the people. Baka pag-agawan ka nila,” I said.

He chuckled. His manly chuckle echoed in my ear. Kaya kong pakinggan buong araw ang pagtawa niya.

“Hindi naman ako magpapaagaw sa iba, Janine. Sa ’yong sa ’yo lang ’tong katawan ko,” he said and a smirk appeared on his face.

Nababaliw na yata ako dahil pati ang pag-angat ng gilid ng labi niya ay sexy sa paningin ko. I averted my gaze. Lord, patatagin mo po ako. Baka bigla ko pong malapa si Aiden.

We arrived at the venue. Hindi naman ’yon kalayuan dahil nasa Noveleta, Cavite pa rin naman ’yon. With our hands holding each other’s, we entered the venue. Sinalubong kami ng mga naging kaklase namin no’ng elementary.

“Blooming na blooming ka, Janine, ah,” puna ni Zoe, naging kaklase namin ni Aiden.

“Ganito talaga kapag may lalaking nag-aalaga,” sagot ko at mahinang natawa.

Tumabi sa akin si Ilona. “Naiinggit lang ’yang si Zoe dahil magkaaway silang dalawa ni Clark ngayon,” sabi niya.

“Ikaw din kaya ay naiinggit! Kunwari ka pa! Magkaaway din naman kayo ni Kain ngayon!” ani ni Zoe.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon