Chapter 5

15 5 1
                                    

HOURS have passed. Parang dalawang oras lang yata ang naging tulog ko. Namamahay ako kahit na ilang beses na naman akong nakatulog sa bahay na 'to. Isa pa, hindi matahimik ang utak ko.

Nandito kami ngayon nila nanay sa bahay na tinitirahan ni lola Estella at Emelia. Dapat ay doon kami sa kabilang bahay, ang tinitirahan ni lola noong buhay pa si lolo, pero hindi pa kami pwedeng lumipat doon dahil ginawang bodega ang dating kwarto nila lolo at lola.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ayaw sa amin ng iba pa naming kasama sa bahay-anak at apo ng kapatid ni lola.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig. Sa sahig ng sala kami natulog buong pamilya dahil okupado na ang mga kwarto ng iba pa naming kasama sa bahay. Ala-sais na ng umaga at may pasok pa ako mamayang 7:30.

I weakly walked to the dining room. Wala akong energy kahit na umagang umaga. "Good morning, lola," bati ko kay lola na nagtitimpla ng kape.

"Magandang umaga rin, apo. Oh, siya, kumain ka na. Gigisingin ko na rin ang nanay mo."

Tumango na lang ako. I don't find anything good in the morning. Umagang umaga pero ngayon pa lang ay parang wala na akong energy. Wala na ako akong tulog, madami pa akong iniisip. Sana lang ay hindi ko maibuntong sa ibang tao ang bad mood ko. Ayaw ko namang madamay sila.

Kapag nakatulala lang ako, iniisip ko kung ano na ba ang magyayari sa pamilya namin. My parents may completely be separated. Kagabi pa lang ay sinabi na ni nanay kay tatay na maghiwalay muna silang dalawa. Ayaw ko namang maging parte ng broken family.

I'm still thinking about my father. Baka kung ano na naman ang gawin niya. Baka saktan niya pa ang sarili niya o baka nag-iinom na naman siya ngayon. He looked so devastated yesterday. Halos ayaw ko nang alalahanin pa ang mukha niya kagabi. Sana lang ay magbago na talaga siya gaya ng sinabi niya.

I want my father back. Gusto kong mayakap muli si tatay-'yung tatay na kilala ko bago pa siya magloko sa buhay. Kahit gaano pa man kasakit o kasama ang ginawa ni tatay, gusto ko pa rin siyang maging tatay. I hate him now pero alam ko ring mapapatawad ko siya. My love for him will overpower my hate.

Sana lang talaga ay magka-ayos na si nanay at tatay para bumalik ang lahat sa dati.

"Kumain ka na. Papakainin ko lang si inay Maria," sabi ni lola, tinutukoy si lola Maria na nanay niya.

Pumunta na rin si nanay pati na ang mga kapatid ko sa dining room at sumasabay sa akin kumain.

"Ang aga mong gumising, Aiden," puna ni nanay.

"May pasok pa ako, 'nay," sagot ko naman.

She looked at the calendar on the wall. "Huh? Wala kang pasok ngayon. Linggo ngayon, 'di ba?"

I face palmed. Oo nga, sabado nga pala kahapon kaya linggo ngayon.

Habang kumakain kami, dumating si tita Lolita at ang anak at apo niya-ang mga kamag-anak na tinutuloy kong may ayaw sa amin. Umupo sila sa bakanteng upuan sa kabilang dulo ng mahabang lamesa na para bang ayaw nila kaming makadikit.

"May away mag-asawa lang, pumunta na agad sa nanay tapos makikigulo pa dito," bulong ni tita Lolita habang naglalagay ng palaman sa tinapay, na para bang wala kami dito at hindi namin maririnig iyon.

Gusto kong sabihin na, "Sa 'yo pa talaga nanggaling, tita. Parang hindi ka hiwalay sa asawa mo, ah" kaso hindi ko na isinatinig pa.

Hindi naman umiimik si nanay at pinalampas na lang iyon. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ni nanay ay baka iningudngod na niya ang mukha ni tita Lolita sa champorado na nasa lamesa.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon