"ANG kapal din talaga ng mukha mo, Aiden, na magpakita pa kay Janine pagkatapos ng ginawa mo sa kan'ya!" Umuusok ang ilong at nagpupuyos sa galit na lumapit sa akin si Rowan. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito.
She rushed to me and pushed me.
Galit na galit siya sa 'kin! Mukhang mababalatan ako nang buhay ngayong araw!
She pointed a finger to me.
Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya kaya hindi ako makalaban. She is mad because of what I did to Janine and her.
Hindi lang naman si Janine and hindi ko pinansan at kinausap sa mga nagdaan na taon. Rowan had the same treatment from me. Sobrang hirap na i-detach ang sarili ko sa kan'ya dahil ilang taon na kaming magkakilala at mag-best friends pa kaming dalawa.
Sa sampung taon na lumipas, hindi ko man lang siya pinansin, kinausap, o binati man lang. Sa tuwing nagkukrus ang landas naming dalawa ay para akong bulag na walang nakikita.
When I lost them, I found myself. Bakit ba kailangang mawala pa sila sa akin para mahanap ko ang sarili ko?
Her deep-seated hatred to me is reasonable. She was also affected by what I did. She was also part of the casualty.
I stood up and faced her. I need to end this here and now. Hindi ko na dapat patagalin pa 'to.
"Bakit nagpakita ka pa? Dapat ay hindi ka na nagpakita pa dahil naka-move on na kami sa 'yo! Nakalimutan ka na namin!" sigaw ni Rowan. She shut her eyes closed.
"I'm sorry, Rowan. I-I'm sorry for leaving," I muttered.
"Sorry? All you will say is sorry? Really, Aiden?"
I bit my lips. "Ano bang dapat kong sabihin? Ano bang dapat kong gawin? Dapat ba ay lumuhod pa ako para mapatawad mo 'ko?"
"Oo, dapat ay lumuhod ka! Dapat ay magmakaawa ka sa 'min! Dapat ay umiyak ka habang paulit-ulit na humihingi ng tawad!" she exclaimed.
Unti-unti akong lumuhod sa tapat niya. If this will make her forgive me, then I will really knell. I want my best friend to forgive me. Kahit na hindi na niya ako tinuturing na best friend ay siya pa rin ang unang best friend na mayro'n ako. She will never be replaced.
Nasa tabi ko si Janine habang nakaluhod ako. Hinawakan niya ako sa balikat. "Stand up, Aiden. Hindi mo kailangang lumuhod."
"No! Hayaaan mo siyang lumuhod! Let him do everything for us to forgive him."
Pumagitna na si Janine. "Pwede bang 'wag tayo dito mag-away? Maraming tao sa paligid, Rowan."
"I don't care!" sigaw ni Rowan. Tumama sa akin ang matalim niyang tingin. "Kailangang malaman ng lalaking 'yan kung ano ang pinagdaanan natin nang iwan niya tayo, nang bigla na lang siyang nagdesisyon na putulin ang connection niya sa 'ting dalawa!"
I closed my eyes. Handa na ba akong malaman ang mga dinanas nila nang dahil sa akin? Hindi ko pa man naririnig ang kwento ni Rowan ay nasasaktan na ako. It's hard to accept that they experienced something bad because of me.
"Alam mo ba kung ano'ng nangyari kay Janine? Alam mo kung ano'ng nagawa mo sa kan'ya nang iwan mo siya?" Rowan asked. Hindi ako sumagot.
"'Wag mong ituloy 'yan, Rowan!" pagpigil ni Janine.
Hindi naman nakinig si Rowan kay Janine. "She almost became depressed! No, she became depressed! Kakalabas niya pa lang sa hospital pero parang kailangan na ulit niyang isugod do'n. Tuwing gabi ay umiiyak siya! Lagi niya akong tinatawagan at sinasabi sa akin ang mga nararamdaman niya! Lagi ka niyang iniiyakan kahit hindi ka naman worth it iyakan, Aiden! Hindi na rin siya nakakatulog sa gabi dahil ikaw lagi ang iniisip niya!"
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...