Chapter 23

7 2 0
                                    


HINAWAKAN ko nang mahigpit ang kamay ni Janine bago kami pumasok sa bahay namin. Halos hindi na siya humihinga dahil sa kaba.

"Breathe, Janine. They'll like you," bulong ko.

Nandito kami para pormal na ipakilala si Janine sa parents ko kahit na hindi ko pa naman siya girlfriend. Yes, hindi pa rin ako sinasagot ni Janine kahit na sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

Sakto dahil linggo ngayon kaya wala kaming pasok dalawa. Nandito rin sa bahay ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko.

Dala-dala ni Janine ang niluto niyang carbonara habang ako naman ay dala-dala ang drinks namin.

Naabutan naming nasa sala sila nanay at tatay habang ang dalawa kong kapatid ay nasa kwarto yata nila.

"Good afternoon po, tita and tito," bati ni Janine sa mga magulang ko, slightly bowing.

Naningkit ang mga mata ni nanay kaya napakapit sa braso ko si Janine. "Sino ba 'yang kasama mo, Aiden? Halika, umupo muna kayo."

"Si Janine po ako," pagpapakilala ni Janine.

"Janine? Hindi kita namukhaan dahil lumaki at gumanda ka lalo," sabi ni nanay.

Tumayo naman si tatay. "Gagawa lang ako ng juice."

There was silence between the three of us. Hindi nagsasalita si nanay at hindi rin naman kami nagsasalita ni Janine.

"Nililigawan ko na po si Janine, 'nay," saad ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni nanay. "Talaga ba? Hindi ako makapaniwala. Parang dati lang ay lagi mo siyang bukang bibig no'ng elementary pa kayo tapos ngayon ay nililigawan mo na."

Humarap si nanay kay Janine at hinawakan ang mga kamay nito. "Ano namang nagustuhan mo sa anak ko, Janine?" tanong ni nanay.

Medyo naningkit ang mga mata ko. Hindi ba ako kagusto-gusto? Iniisip ba ni nanay na pangit ako at ang ugali ko kaya hindi ako dapat magustuhan ni Janine?

Janine glanced at me na para bang kumukuha ng lakas na loob na sumagot sa tanong ni nanay. "Mabait po kasi si Aiden tapos lagi niya pa po akong tinutulungan. Hindi naman po mahirap na magustuhan siya. Idagdag pa po na ilang taon na kaming magkasama kaya po attached na attached po kami sa isa't isa," sagot ni Janine.

Napatango-tango naman si nanay. "Nagagwapuhan ka ba sa anak ko?"

Nahihiyang tumango si Janine. "Gwapo po si Aiden. Isa pa po 'yon sa mga nagustuhan ko kan'ya."

Namula naman ang pisngi ko kasabay ng pagpula ng pisngi ni Janine. "Gwapo naman talaga ako, 'nay."

Alam ko namang gwapo ako. Mas malaki na ang confidence ko kaysa no'ng nasa high school pa ako. I learned to be confident with my flaws.

Lahat naman ng tao ay hindi perpekto. Kailan lang talaga nating tanggapin ang flaws natin at maging confident. The Lord never created ugly things. Hindi lang talaga pasok sa standards ng ibang tao ang hitsura natin kaya nila nasasabing pangit tayo, pero pasok na pasok sa standards ni Lord ang hitsura natin dahil nga wala siyang ginawang pangit.

"Gwapo ang anak ko, ah. Gwapo ang tatay kaya gwapo rin ang anak," komento ni tatay at inilapag ang pitsel ng juice at apat na basa sa center table.

Sinalinan niya kami ng juice sa baso. Uminom naman ako at si Janine. Wala pa man kami sa gitna ng "meet the parents" ay parang natutuyo na ang lalamunan ni Janine.

"Hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala," saad ni nanay. She put the glass down. "You can call me tita Divine, Janine."

Tumikhim naman si tatay. "You can call me tito Eldridge naman. Pwede rin namang tatay Eldridge dahil alam ko naman na magiging kayo rin ng anak ko," diretsahang sabi ni tatay.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon