INAAYOS ko na ang mga gagamitin ko para sa pasukan next week. Grade 3 na ako sa pasukan at excited na rin ako.
"Aiden, anak?" tawag sa akin ni nanay.
Ibinaba ko muna ang bag na hawak ko bago ko siya nilingon. "Bakit po, 'nay? Ano po ba iyon?" nakangiti kong tugon.
She smiled bitterly. Pinaupo niya ako sa kandungan niya bago niya maingat na hinaplos-haplos ang buhok ko. Gustong gusto ko kapag ginagawa niya ito sa buhok ko. Mas naf-feel ko na mahal na mahal niya ako kapag hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.
"Pasukan niyo na next week diba?" tanong niya. Sunod-sunod naman akong tumango habang hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi ko.
"Pwede bang hindi ka muna ibili ni nanay ng sapatos? Hindi pa kasi nagbibigay ng sweldo ang tatay mo, at hindi pa tayo nakakabayad ng kuryente at tubig," ani niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko. "Maayos pa naman 'yong sapatos mo, 'di ba?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Excited pa naman akong pumasok dahil akala ko ay magkakaroon ako nang bagong sapatos. Tuwing pasukan, ang sapatos ko talaga ang pinakainaabangan ko.
May choice ba ako? Meron naman siguro. Pwede ko namang ipagpilitan na gusto ko nang bagong sapatos pero mas mamomroblema si nanay kung gagawin ko iyon.
Kaya ko namang pumasok nang hindi bago ang sapatos. Maayos pa naman ang luma kong sapatos at magagamit pa. Pwede pa namang pagtyagaan.
Pilit kong binalik ang ngiti sa aking mga labi bago ako lumingon kay nanay.
"Okay lang po, 'nay. Hindi naman ako maarte at saka maayos pa naman 'yung sapatos ko. Kahit siguro hanggang grade 4 ako ay tatagal iyon, 'nay," sabi ko kay nanay.
I saw a hint of sadness in her eyes. Ayaw kong nakikita siyang malungkot dahil nalulungkot din ako.
"Hayaan mo, anak. Kapag nakaluwag-luwag tayo, ibibili kita kaagad nang bagong sapatos. Hindi pwedeng umabot hanggang grade 4 'yang sapatos mong luma." Hinalikan niya ang pisngi ko bago ako niyakap.
Ayaw kong makitang malungkot o umiiyak si nanay gaya ng nakita ko kagabi nang maalimpungatan ako. She was crying silently while looking at the ceiling. Walang kahit impit na tunog na lumalabas sa bibig niya nang mga oras na iyon.
One thing is for sure, she is in pain. Mas masakit ang damdamin sa likod ng iyak na walang tunog kaysa sa iyak na humahagulgol. Silent cries carry the heaviest emotion.
Napatingin kaming dalawa ni nanay nang malakas na bumukas ang pinto. Iniluwa nito si tatay na lasing na naman at marahil ay mainit na naman ang ulo.
"Matulog ka na, anak, ah," sabi sa akin ni nanay bago ako pinahiga katabi ng mga kapatid mo.
Kahit na nakapikit na ako at pilit na natutulog, rinig na rinig ko pa rin ang kalabog ng mga bagay na hinahagis ni tatay na para bang wala ang mga anak niya na natutulog sa kama.
Kumuyom ang kamay ko. Gusto kong suntukin si tatay para matauhan siya. Gusto ko siyang saktan dahil lagi niya na lang pinapa-iyak si nanay. Gusto kong gawin ito pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob.
Kahit nga ang sigaw lang ni tatay ay parang nawawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. I wish I have the strength to fight for my mom.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakikinig sa pagdadabog ni tatay. Naririnig ko kahit ang ingay ng lamok. I prayed to the Lord. Hindi ko na alam kung ilang beses akong nagdasal bago ako nakatulog.
ISINUKBIT ko ang bago kong bag sa likod ko. First day of school na ngayon kaya excited na excited akong bumangon kanina.
"Ang gwapo talaga ng anak ko!" saad ni nanay bago ako binigyan ng isang halik sa pisngi. I kissed her cheek, too. Iniabot sa akin ni nanay ang baon kong thirty pesos.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...