Chapter 22

8 2 0
                                    

I HEAVED a sigh. Kaya ko 'to! Kayang kaya ko 'to! Hindi naman ito ang first time kong pumunta sa bahay nila Janine pero kabang kaba pa rin ako. Bitbit ang isang paperbag na may dalang lasagna sa kaliwang kamay ko at isang bouquet ng bulaklak sa kanang kamay ko, kumatok sa ako pinto ng bahay nila Janine.

I bit my lower lip. Kabang kaba pa rin ako kaya ang puso ko ay halos lumabas na sa katawan ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok.

The door slowly opened. Halos maubusan ako ng hangin sa katawan nang makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto.

"G-Good afternoon po, tita Mari," bati ko kay tita Mari.

Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. Halos maihi ako sa kinatatayuan ko dahil wala siyang sinasabi.

"Aiden?" bigla niyang sambit. "Ang laki na ng pinagbago mo, ah."

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay sasampalin ako ni tita Mari pagkakita niya pa lang sa akin pero sinalubong niya ako nang marahan niyang boses na para bang wala akong ginawa na nakaapekto nang malaki sa anak niya.

"Opo." Bahagya kong iniangat ang dala kong paper bag. "May dala po akong lasagna, tita."

"Pumasok ka at maupo. Tatawagin ko lang si Janine."

Umupo ako sa sofa. Nakatingin sa akin ang tatlong mga kapatid ni Janine na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. I opened a button of my polo. "Hi," bati ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Nelson, kapatid na lalaki ni Janine.

"Manliligaw ako sa ate niyo," diretsahan kong sagot.

Dati ay medyo close ako sa mga kapatid ni Janine, lalong lalo na kay Vanesse, ang bunso. Ngayon kaya?

"Bakit mo naman liligawan si ate Janine?" tanong naman ni Gayle, ang sumunod kay Janine.

"Mahal ko ang ate niyo kaya liligawan ko siya," sagot ko. I bit my lower lip again. Mukhang ginigisa ako ng magkakapatid na 'to. Naha-hotseat na yata ako ngayon pero hindi ako aalis dahil ako naman ang pumunta dito.

"Alam ni ate na mahal mo siya?" tanong ni Nelson.

"H-Hindi yata," tugon ko.

Hinampas ni Vanesse ang kamay niya sa center table. "Dapat ay pinaalam mo, kuya Aiden! Alam mo namang botong boto ako sa 'yo kaya dapat ay madaliin mo si ate! Malapit na mag-late 20's si ate pero wala pa ring nagiging boyfriend."

I smiled at her. Mukhang hindi nawala ang closeness naming dalawa ni Vanesse kahit na isang dekada na ang lumipas.

"Hindi ko naman mamadaliin ang ate niyo. Gusto kong magustuhan at makilala niya ako unti-unti. Hindi naman pwedeng kakaligaw ko pa lang sa kan'ya ay sasagutin niya na kaagad ako," sagot ko. "Isa pa, ang ate niyo 'yung taong hindi dapat minamadali. She's worth the wait. Ten years akong naghintay at worth it na worth it siya."

Cheesy smiles crept in Janine's siblings' faces. Silang tatlo ay napangiti sa sagot ko. Level one passed?

"Sige na nga, aalis na kaming tatlo!" Lumapit sa akin si Nelson at may ibinulong. "Gusto ko na ng pamangkin, kuya Aiden," bulong niya bago ako tinapik sa balikat.

Natawa na lang ako. Ilang sandali pagka-alis ng magkakapatid ay dumating na si Janine at tita Mari na kapwa naka-ayos na.

Umupo silang dalawa sa pangmaramihang sofa na nasa gilid ko.

"Bakit ka pala pumunta dito, Aiden?" tanong ni tita Mari.

Alam kong may ideya na siya sa kung bakit ako pumunta dito pero siguro ay gusto niyang lumabas mismo sa bibig ko ang dahilan kaya niya tinanong.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon