Chapter 11

19 4 0
                                    


NAGPA-PRACTICE kami ng sayaw ng mga teammates ko para sa gaganaping dance contest mamaya-maya. Maraming tao na ang nag-aabang sa kani-kanilang upuan. Buti na lang at hindi kami ang unang magp-perform.

Today is the foundation week awarding ceremony ng school na pinapasukan ko. Ngayon din gaganapin ang dance contest.

Ilang sandali pa ay tinawag na kami kaya naman ay pumunta na kami sa likod ng stage. Kabadong kabado ako habang pinapanood ang unang group na nagpe-perform ngayon sa stage.

I saw Janine giving me a thumbs up. Abot-tenga ang ngiti niya. Para namang biglang nawala ang kaba ko nang dahil sa kan'ya. Manonood siya sa pagsasayaw ko kaya siya nandito.

Pagkababa ng unang group na nag-perform, tinawag na ang group namin dahil kami na ang susunod. Parang nakikipagkarera ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. I nervously smiled. Sana lang talaga ay hindi ako magkamali sa dance steps.

Nagsimula na ang music kaya naman ay sumayaw na kami. Nakatingin lang ako kay Janine na nakatitig lang din sa akin.

I am thankful that she's here. Parang biglang nawala ang mga audience at siya na lang ang natira kaya naman nabawasan ang kaba ko.

"Go, Aiden! Go! Go!" sigaw ni Janine.

Nang matapos ang pagsasayaw namin, hingal na hingal akong bumaba sa stage. Sobrang nakakahingal talagang magsayaw. Buti na lang at hindi ako natipalok o nadulas sa stage at wala akong nagawang maling dance steps.

"Mananalo tayo, guys! Tiwala lang!" ani ng choreographer namin.

I quickly changed my clothes and freshened up. Ayaw ko namang pumunta kay Janine na pawis na pawis. Nakakahiya sa kan'ya. Ayaw ko pa namang ma-turn off siya sa akin.

"You did great, Aiden! Ang galing mo talagang sumayaw!" saad ni Janine at niyakap ako.

I smelled her sweet perfume. Bagay na bagay 'yon sa kan'ya. It really suits her personality. Parang ayaw ko na tuloy humiwalay sa kan'ya. I want to hug her all day.

"Medyo messy na ang hair mo." She brushed her fingers through my hair and fixed it. "Ayan, sobrang gwapo mo na ulit."

I pouted. Gustong gusto ko talaga kapag pinupuri niya ako. Mas naf-feel ko na gustong gusto niya ako kapag ginagawa niya 'yon at tumamaas din ang confidence ko. Ayaw ko mang aminin pero para siyang switch. She could easily turn me off and on anytime she wants. Pwede niya akong gawing malungkot o masaya anytime.

"Gwapo pa rin ako kahit may pimples ako?" tanong ko. Itong mga pimples sa katawan ko talaga ang pangunahing dahilan kung bakit ako sobrang insecure sa sarili ko. Idagdag mo pa ang height kong 5 feet and 1 inch na hindi naman katangkaran at ang boses ko na halos hindi man lang lumalim.

"Oo naman! Hindi naman basehan ang hitsura sa pagiging gwapo. Isa pa, lahat ng gawa ng Diyos ay maganda at gwapo," ani niya at tinapik ang balikat ko. "'Wag kang magpapaniwala sa mga nagsasabi na pangit ka. Judgmental lang talaga sila. Wala siguro silang ibang ginagawa kaya pati buhay mo ay napupuna nila."

I smiled. "I'm so thankful that I have you."

"Ako rin naman, 'no!"

Nag-ikot-ikot muna kami sa loob ng mall. Mamaya-maya pa naman gaganapin ang awarding.

"May bibilhin ka ba?"

"Wala naman."

"So... Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Mag-ikot-ikot na lang tayo. Wala naman pala tayong bibilhin, eh."

Napadaan kami sa harap ng isang jewelry store. Nakita ko ang naka-display na silver necklace.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon