"Don't judge a book by its cover."
In our society, some of us were judging some people by their looks, work/job, skin color, body weight and shape, height, and of course their type of clothings. Seems like, it's a big deal for us on having a good looks, having a nice body, having a good skin and skin color that's almost perfect.
Having a good looks is a blessing. But did you know that having a good heart is the most important among those? Attitude and behavior is the true definition of 'beauty'.
Don't judge, know their story first.
Judging them will not going to help you. We're living in this world and we're doing anything just to survive in our everyday life. Don't judge others' job unless you know them and their story. Be sensitive and be considerate to their feelings.
(A/N; Hi! This is the third book for Girls' Love Series. Hope you'll like this! Thank you in advance for reading! Lovelots!❣️)
*****
"Lumayas ka rito! Wala kang kuwentang babae ka! Layas!" isa-isa kong pinulot ang mga damit ko na hinagis niya at muling nagpupumilit na pumasok sa bahay.
"T-tita. Tita please.. g-gagalingan ko pa sa trabaho. Wala ho akong matutuluyan na bahay kapag pinalayas niyo ko rito" pagmamakaawa ko habang isa-isang bumabagsak ang luha sa mga mata ko.
"Hay nako! Tigilan mo ko Tasha! Wala kang pakinabang dito sa bahay. Nagtra-trabaho ka nga, parang wala rin naman!" nagpantig ang dalawang tenga ko sa sinabi niya.
"Tita ano pa ho ba ang gusto niyo?!" nagsisimula na kong humikbi dahil mas tumitindi ang inis na nararamdaman ko.
"Ginagawa ko ang lahat! Binibigay ko lahat ang pera sa inyo— halos wala na nga ho akong tinitira sa sarili ko!" pagpapatuloy ko.
"E anong pinapalabas mo ngayon? Sinusumbatan mo ba ko? Ha?! Sumbatan tayo gusto mo?! Oh sige! Hindi kita uurungan! Ano!"
"Tita.. ang akin lang naman ho—"
"Wag mo kong dinadramahan, ha! Kung buhay ang tatay mo ganiyan din ang sasabihin niya sa'yo!"
"Na ano?! Na wala akong kuwentang anak?! Na wala akong pakinabang?! Na sarili kong laman ang ginagawang puhunan makapagbigay lang ng pang-gastos sa bahay?!" nagsisimula nanamang uminit ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha rito.
"Wag mong madamay-damay ang tatay ko rito dahil unang-una sa lahat, siya lang ang nakakaintindi sa'kin simula no'ng namatay si Nanay!" nagsisimula na kong humikbi pero pinipigilan ko.
"Pangalawa. Wag mo kong sinasabihan na walang kuwenta, dahil hindi mo naman nakikita ang mga sakripisyo ko— para may makuha lang kayong pera mula sa'kin! Kung tutuusin nga, kayo dapat ang bumubuhay sa'kin dahil dapat nasa eskwelahan ako ngayon at nag-aaral— at hindi sa bar na nagbebenta ng sarili kong laman.. *sob* para lang may pangkain tayo sa araw-araw.." pahina nang pahina ang boses ko dahil masakit na para sa'kin 'yon; bahagya akong napahikbi.
Mukha naman siyang walang pakialam sa mga sinasabi ko dahil iirap-irap lang siya sa harapan ko.
"At pangatlo. Hindi naman kita tunay na nanay. Pinapakisamahan lang kita noon pa dahil sa mahal ka ni Tatay!"
"Oh edi tama nga lang na umalis ka! Lumayas ka rito! Nakakadiri ka! Baka mamaya may sakit ka na pala. Mahawa pa kami!" sabi niya.
"Napakasama niyo.. *sob* matapos niyo kong itulak sa ganitong trabaho ganiyan ang sasabihin niyo..? *sob* mas masahol pa kayo sa hayop! Mga hayop kayo!"
"May sasabihin ka pa ba?"
"Oo! At hindi ko hahayaan na hindi mo malalaman ang kababuyan ng panganay mo!" sinamaan ko nang tingin ang anak niyang lalaki bago tumingin sa bunso nitong kapatid.
"'Yang gago mong anak.. ginagahasa ang kapatid niya sa tuwing wala silang kasama sa bahay. Ilang beses kong nahuhuling umiiyak si Bebang dahil sa katarantaduhan ng kuya niya." nakita ko naman ang paglaki ng mga mata ni Keno at ang pagyuko naman ni Bebang.
"At sa tingin mo paniniwalaan kita?" napakuyom ako nang kamao sa sinabi ni Tita Ana. At sinamaan naman nang tingin si Keno nang makita ko siyang ngumisi.
"Wag mong inihahalintulad ang mga anak ko sa tulad mong marumi! Lumayas ka na rito! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito!" sinamaan ko siya nang tingin at nginisian.
"Wag kang magugulat kung isang araw.. mabuntis siya ng kuya niya." pagkasabi ko no'n ay pinulot ko pa ang ibang damit at ipinagkasya sa bag.
"At isa pa.." tinitigan ko si Keno at si Tita Ana bago magsalita.
"Fuck.you."
"Aba't—!" tinalikuran ko na sila at hindi ko na tinignan pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Sa totoo lang.. gusto kong isama si Bebang at ilayo mula sa kuya niya pero ni hindi ko nga alam kung saan ako titira ngayon.
Babalikan ko nalang siya. At sana.. hindi pa huli ang lahat sa panahon na 'yon.
Pero ngayon.. saan ako patungo? Saan ako pupulutin? Saan ako makakahingi ng tulong? Magiging bayarang palaboy na ba ko?
Anong gagawin ko?
Napabuntong-hininga ako at tumingala sa langit.
Tay.. Nay.. kung sakaling buhay kayo ngayon.. ganito rin kaya ang buhay ko ngayon?
Madilim.
Marumi.
At nakakadiri.
Napabuntong hininga ulit ako at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag pack na dala ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hinahayaan ko lang ang mga paa ko kung saan man nila ako balak na dalhin.
Kung ano man ang mangyari sa buhay ko..
Bahala na..
Basta.. maka-survive ako.
⚠️This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.⚠️
WARNING🚫: This book contains mature themes that are not suitable for very young audiences.
*ALL RIGHTS RESERVED*
No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author.PLAGIARISM IS A CRIME!
-pennidhenny
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...