Zenaida Keshara. Siya ay may angking kakaibang kagandahan. Siya'y may katamtamang kaalaman sa kapaligiran, at may kakayahang kumilos ng normal at magkaroon ng normal na buhay. Ngunit hindi sa lahat ng oras.. Madalas siyang nakakaranas ng mga kakaibang pakiramdam at palaging nakakaranas ng pagmamaltrato sa ibang tao dahil lamang sa kaniyang kinikilos sa kasalukuyan. Ngunit tama nga bang iparamdam sakaniya iyon samantalang ang nag-iisa niyang hangarin ay ang magkaroon ng normal na buhay, katulad ng pamumuhay ng ibang tao? Makakamit nga ba niya ang pinapangarap na normal na pamumuhay, o ang sarili na mismo niya ang pipigil dahil sa kakaibang karamdaman na mayroon siya?