"I'll take your bad days with your good. Walk through the storm I would. I do it all because I love you, I love you__ Unconditional, unconditionally, I will love you unconditionally. There is no fear now. Let go and just be free. I will love you unconditionally.... So open up your heart and just let it begin..."
- Katy Perry, "Unconditionally"
*Patricia's POV*
Masaya ako dahil pumayag si Stuart na magpakasal sa akin pero dahil sa one-year agreement namin, napagkasunduan naming sa Amerika na magpakasal. Mas masaya sana kung makakasama ko ang mga taong malapit sa akin, pero hindi pwedi. May problema si Janine at nawawala naman si Arlene. Yung pinsan kong si Sandra naman ay hindi siguradong makapunta. Hindi ko naman mapilit yung isa ko pang pinsan na si Allison kasi tiyak na hindi siya papayagan ng possessive niyang asawa na si Zach – nakakatawa nga eh dahil hindi ko man lang nalaman na ikinasal na pala sila. Hindi ko naman kasi masyadong close si Allison dahil pinsan ng ama ko ang kanyang ina kaya kahit magkapareho kami ng apelyedo, hindi pa rin kami masyadong nagpapansinan.
"Ano sa tingin mo ang maganda, Stuart?" kasalukuyan akong namimili ng susuoting wedding gown pero parang wala lang kay Stuart ang ginagawa ko.
Sa totoo niyan, ayaw pa sana niyang sumama akin, pero siyempre, napakiusapan ko siya. Kahit nakakabagot dahil kasama ko nga siya pero para namang wala siyang pakialam sa ginagawang paghahanda namin para sa kasal bukas, masaya pa rin ako dahil at least, hindi ako nagmukhang tangang bride na nag-iisang naghanda para sa wedding.
"Kahit ano diyan, iilang tao lang naman ang dadalo sa buwisit na kasalang ito kaya iilan lang ang makakakita sayo," inis niyang sagot.
Haaayzz – umiral nanaman ang pagka-hopeless romantic ko. Mas gusto ko kasing marinig na sabihin niya na kahit anong pipiliin kong suotin ay okay lang kasi ang importante ay makasal kami. Oo nga pala, ako nga lang pala ang masaya na ikakasal kami.
Pinili ko na lang ang isang simpleng white long mermaid cut na long gown. Mejo hapit ito kaya alam kong lilitaw ang magandang hubog ng aking katawan. Matapos kong pumili ay agad kaming nagpunta sa cakeshop para bumili ng wedding cake. Ang daming mapagpipilian na designs kaya mejo nalito ako. Hindi naman pwedeng ako lang ang megdedesisyon kaya kahit alam kong maiinis si Stuart, sinubukan ko pa rin siyang tanongin.
"Anong design ang nagustuhan mo?"
"Kahit saan diyan, pare-pareho lang naman ang lasa ng mga 'yan," yun lang at umalis na siya.
Napabuntong hininga na lang akong humarap sa tindera, mabuti na lang at hindi ito nakakaintindi ng tagalog, at least, hindi ako napahiya. Pinili ko na lang ang isang simpleng white fondant cake na may mga edible gold pearl designs. Two-layer lang ito dahil konti lang naman ang makakarating sa reception namin.
Matapos kong maibigay ang details para sa kung saan i-dedeliver ang cake ay tumungo na ako sa kinaroroonan ni Stuart. Nakita ko siyang may kinakausap sa cellphone kaya hindi na lang ako nagpapansin kasi baka importante ang pinag-usapan nila. Bago pa kasi siya sa posisyon niya kaya alam kong nag-aadjust pa siya sa trabaho. Ikaw ba naman ang masabak agad sa trabaho isang araw matapos ang graduation mo, mahirap yun. Kaya iniintindi ko na lang ang mga mood swings niya.
"Kung mahal mo ako pumunta ka dito at pigilan mo ang kasal," natulingag ako sa narinig kong sabi niya pero agad niya namang napansin ang presensya ko kaya sinabi niya sa kausap niya na tatawag na lang daw siya uli.
BINABASA MO ANG
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
RomanceSeven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at...