Chapter 46 - Fix a Broken Heart

479K 7.7K 558
                                    

Baby I just ran out of band-aids

I don't even know where to start

'Cause you can bandage the damage

You never really can fix a heart

-          Demi Lovato, “Fix a Heart”

*Patricia’s POV*

Nagising ako sa ingay sa labas saka ko naalalang dito pala ako sa bahay nina Kaz at Vivienne nakatulog.  Mabilis akong bumangon, pumunta ng banyo para maghilamos at nagmumug ng moutwash. Inayos ko muna ang sarili ko saka ako sumilip sa labas,

Gising na pala kayo Miss Patricia,” nagulantang ako sa biglang nagsalita.

Nakakagulat naman kayo manang,” saad ko.

Sorry po. Dala ko nga pala ang susuotin mo. Gumayak na po kayo at kumain ng agahan kasi magsisimula na ang shooting,” sagot ng kasambahay.

Shooting? May shooting dito?” nagugulohang tanong ko.

Oo, Miss Patricia.  Dumating na ang mga tauhan ng Kris TV para sa interview ng ikakasal.  Kukunan daw po yung mga abay pati na rin yung paghahanda sa kasal,” paliwanag ng kasambahay, ”kaya gumayak na po kayo kasi mamaya-maya, magsisidatingan ang mga kasali sa abay at magiging busy na ang lahat.

Okay, salamat,” tinanggap ko ang damit na bigay niya saka dumiretso sa banyo. Madiin kong pinikit ang mga mata ko dahil alam kong may mali akong nagawa kagabi.  Mabuti na lang at napigilan ko na siya namang nirespeto ni Kaz.  Sana maging masaya si Kaz kay Vivienne.  Sana matutunan nilang mahalin ang isa’t isa.  Sana kahit si Kaz man lang ay magkaroon ng happy ending. Sana totoo ang kasalang magaganap sa kanila.

Pinapasok ko ang mga taong mag-aayos sa akin pagkatapos kong maligo. Nakakamiss palang maging modelo.  Nakakamiss yung umupo ka lang habang inaayusan. Ang dami ko talagang sinayang dahil sa baliw na pagmamahal ko kay Stuart. Ang tanga ko lang talaga.

Agad naman akong lumabas para kumain ng agahan. Nakita kong marami nang tao sa living room. Nakita ko rin si Vivienne na busy sa pag-asikaso sa mga taga media habang si Kaz naman ay parang may binabasang script.  Gusto ko sanang pumunta ng dining room na hindi mapansin pero nahagilap ako ng mga mapaghusgang tingin na siya namang nagpayuko sa akin.

Di ba siya yung kahalikan ni Kaz sa viral na litrato,” narinig kong bulong ng isang reporter.

Siya nga,” magiliw na sagot ni Vivienne. Magiliw? Hindi ba siya nagagalit?

Hala? Okay lang sayo?” gulat na tanong ng reporter na siya ring tanong ko sa isip.

Hahaha! Hindi mo kasi naiintindihan yan silang magkakabarkada. Ako nga naiilang nung una pero nasanay na rin ako,” ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ’to? Ano ang sinasabi niyang nasanay na lang siya?

Ganyan talaga silang magkakabarkada eh. Sa sobrang close, naghahalikan pero hanggang halik lang naman,” magiliw niyang sagot, ”Oh, dumating na pala ang kabarkada ni Kaz.  Sandali lang ha, sasalubungin ko lang.

Nakita kong dumating si Mago na siya namang sinalubong ni Vivienne ng halik. Ng halik? Napaawang ang bibig ko sa nakita ko pero agad kong hinanap si Arlene.  Mabuti na lang at wala dito ang kaibigan ko pero hindi ko mapigilan ang galit dahil imbis na tumutol si Mago ay pinulupot pa nito ang mga kamay sa baywang ni Vivienne at tumugon sa halik nito.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon