Chapter 35 - Claiming What is Mine

508K 8.2K 285
                                    

AN: Sa lahat ng nagmarathon reads and votes, sa mga nagcomments at nagfollow.  Maraming salamat. Sorry kung hindi ko kayo ma-isa-isa pero gusto kong malaman niyo na sobrang saya ko dahil pinansin niyo itong kabaliwan ko. Hehehe

*Stuart’s POV*

Pare, lasing ka na. Tama na yan,”  untag ni Mago sa akin. Tinawagan kasi siya ni Marco para samahan ako, mabuti na lang at single pa itong gagong ’to.  Simula kasing mag-asawa si Marco, hindi na siya masyadong nakakasama sa amin, lalong lalo na ngayon na maselan ang pagbubuntis ni Janine. Psst! Pagbubuntis – gusto ko na ring maranasan kung paano siya alagaan.  Kung mabubuntis si Patricia, sisiguraduhin kong siya ang magiging pinakamaswerteng buntis sa mundo.

Pare, lipat tayo sa bar ko para makapagbihis ka naman,” alok ni Mago.

Oo nga pala, natutuyo na nga pala ang kaninang basang-basa kong damit.  Dumiretso na kasi ako dito para uminom at dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na napansin ang lamig at gutom na nararamdaman.

Handa na sana ako, Pare,” sabi ko habang inaalalayan niya akong maglakad, ”handa na akong magtapat sa kanya.”

Dapat pala ako magpasalamat kay Kaz dahil hindi natuloy ang proposal mo,” natatawa niyang sabi.

Gago ka, Pare. Ang sakit-sakit kaya,” inirapan ko siya habang pinapasok niya ako sa sasakyan niya.

Ano ba ang kasunduan niyo Arlene?” tanong ko sa kanya, ”bakit dati si Marco ang ayaw mong maglahad ng pagmamahal tapos ngayon ako.”

Huwag nga nating pag-usapan yan, at saka, hindi ko naman kayo pinagbawalang magmahal. Hinihingi ko lang na huwag kayo ang maghabol,” sabi niya saka pinaandar ang sasakyan niya.

Paano ko siya makukuha kung hindi ko siya hahabolin?” natatawa ako sa isip ko. Kay Mago pa talaga ako humingi ng payo. Si Mago na casanova; si Mago na disposable lang ang mga babae para sa kanya; si Mago na walang ibang alam sa babae kundi parausan lang; si Mago na parang ako noon dahil hinahabol-habol ni Arlene.

Lalaki ka pare,” sagot niya, ”ipakita mo sa kanya na hindi ka niya basta-bastang balewalain.”

Bahagya akong natahimik. Tama si Mago, ako ang lalaki at sa sitwasyon namin, ako ang may hawak ng alas.  Tama na yung pa-cute ko sa kanya. I don’t work that way. Tinatapatan ko lang naman ang mga pa-cute-cute ni Kaz kasi akala ko effective, pero hindi pala.  This time, I am going to work my way – the fierce way.

Pare, ihatid mo ako sa Grand Beatrice hotel,” utos ko kay Mago.

Eh kung sa condo mo na lang kaya kita ihatid?” suhestiyon ni Mago.

Nah – sa hotel mo ako ihatid.  May dapat akong gagawin ngayon,” seryoso kong sagot, ”Tonight, I am going to make her to beg me to love her.”

Tumingin ako sa labas at mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita ang mukha ni Kaz sa malaking billboard. Napakuyom ako nang maalala ko ang unang gabi ko bilang costumer niya.  Pinahirapan niya ako samantalang enjoy na enjoy naman si Kaz noong siya ang costumer niya.

’Hindi ako susuko, Patricia,’ bulong ko sa isip, ’kung kailangan gamitan ko ng dahas ay gagawin ko.  Akin ka lang.’

*Patricia’s POV*

Tumagal ang dapat sana’y sandali lang na pamamasyal namin ni Kaz dahil sa malakas na ulan.  Nagpahiwatig siya ng pagmamahal sa akin pero sinabi ko sa kanya na mahal ko si Stuart.  Nagpumilit pa siya at pilit akong kinukumbinsi namasasaktan lang ako pero sinabi ko rin sa kanya na nararamdaman kong mahal ako ni Stuart.  Ayokong maging unfair sa kanya kaya sinabi ko na sa kanya na tigilan na niya ako.  Hindi ko hawak ang puso ko ngayon dahil kahit kailan hindi ito nakawala sa pagkakahawak ni Stuart.  Ibinigay ko ’to sa kanya dati, at kailanman hindi ko ito nabawi.  Baliw ba ako? Malamang.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon