Chapter 28 - The Student

570K 8.9K 507
                                    

*Patricia’s POV*

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang tatlong araw na hindi bumigay kay Stuart. Para niya akong tinutukso araw-araw.  Nakakainis dahil parang sinasabi ng kilos niya na mahal niya ako pero gusto ko yun marinig mismo sa bibig niya.  Mahirap bang sabhin ang ’mahal kita’?

Day off ko ngayon pero dahil Sabado, may pasok ako sa Dance studio bilang dance instructor.  Bukod sa kailangan ko ng pera, hindi ko rin maiwan ang trabahong ’to dahil talagang mahilig akong sumayaw.  Nailalabas ko kasi sa pagsasayaw ang lahat ng hinanakit ko sa buhay.  Nakakawala rin ito ng stress.

Patricia, may package na dumating para sa’yo,” salubong sa akin ng receptionist ng dance studio habang iniabot niya ang package.  

Naguguluhan akong binuksan ito at nakita ko na ang laman nito ay isang cute na teddy bear na may kasamang note.  Ang note, tulad ng iba kong natanggap, may numero sa taas at may letrang nakawatermark.  Sino kaya ang nagbibigay nito? Ano kaya ang secret message na kasama ng mga regaling pinapadala niya?

Ang note na natanggap ko ngayon ay may numerong 33 at ang watermark ay M.  Tinago ko ito dahil na-curious ako sa kung ano ang laman ng message niya. Pang-apat na beses ko na akong nakatanggap ng note ngayon lingo.  Noong Martes, may nag-iwan ng coffee sa mesa ko na may note na naka-pikit sa cup.  Ang number nito ay 16 at ’U’ ang letra sa watermark.

Noong isang araw naman, may nagpadala ng lunch sa akin na may kasamang note.  Ang numero nun ay 21 habang ’L’ naman ang naka-watermark. Kahapon, may batang sumalubong sa akin paglabas ko ng building. Binigyan niya ako ng Ferrero Rocher na nakalagay sa heartshape container nito.  Pinapabigay daw yun sa kanya.  Hindi ako masyadong kumakain ng chocolate pero paano nalaman ng taong nagpabigay nito na paborito ko ang Ferrero Rocher? May kasamang note ito.  Ang note ay may numerong 9 at may watermark na period.

Patricia, pinapatawag ka ni Madame sa opisina niya,” tawag sa akin.

Tumango ako at saka naglakad patungong opisina ni Madame.  Dati kong ballet teacher si Madame pero dahil marami na kami na mga dati niyang estudyante na nagtuturo ng ballet at iba pang sayaw, siya na ngayon ang tumatayong administrator ng Dance studio.

Patricia,” nakangiting sumalubong sa akin si Madame, ”may ibabalita ako sa’yo.”

Ano po yun?”

May nag-enrol na bagong estudyante na gustong matuto ng iba’t ibang sayaw.  Kaya lang, nahihiya siyang sumali sa malaking class kaya nagrequest siya na sa separate class siya ilalagay,” nakangiti niyang paliwanag, “ikaw ang napili niyang private tutor.  Ballet, jazz at ballroom ang pinili niyang classes kaya whole day mo siyang estudyante tuwing sabado, simula ngayon.”

Wala pong problema, Madame,” sagot ko kahit hindi ko nagustohan ang balita niya.  Ayoko kasing magturo ng iisang estudyante lang.  Bukod kasi sa boring ito, limitadong dance routines lang din ang pwede kong mapasok sa choreography niya para sa dance recital.  Pero wala na rin akong magawa, mahirap tumanggi sa isang matandang dalaga kaya tinanggap ko na lang ang tabaho.

Oh sige, gumayak ka na dahil parating na ang bago mong estudyante,” tumayo na siya, ”gamitin niyo ang covered roof top. Yun kasi ang pinili niyang lugar para sa mga dance class niyo.”

Tumango ako at lumabas na ng opisina.  Gusto ko rin ang covered roof top kaya pasalamat ako sa mayaman kong estudyante dahil nagawa niyang ipa-reserve ang venue para sa mga dance lessons namin.

Dumaan muna ako sa reception area para kunin ang bago kong class schedule at ang mp3 para sa mga musikang gagamitin ko sa pagtuturo ng sayaw.  Natawa ako dahil nagspecial request pa ang estudyante ko ng Rumba para sa kantang, ”Can’t Let You Go” ng Cueshe.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon