Chapter 30 - Infect Away

505K 8.5K 207
                                    

*Patricia’s POV*

Kanina pa ako nakatihaya sa kama habang tinitigan ang kisame. Hindi ko kasi alam kung paano ako magtatrabaho ngayon.  Ang totoo, hindi ako nakatulog dahil natakot ako na baka mabuksan ni Stuart ang silid ko.  Bakit ako natakot? Condo niya ito at tiyak na kahit na i-lock ko ang kwarto ko, mabubuksan niya pa rin ito dahil may master key siya. Pero hindi lang yan ang ikinatakot ko.  Natatakot ako na kapag magkita kami ay singilin niya ako ng higit pa sa isang sayaw. At kapag mangyari yun, natatakot ako na baka hindi ako makatanggi.

Mahal ko si Stuart at kaya kong ibigay sa kanya ang sarili ko.  Pero ayoko nang matulad ng dati. Kung ibibigay ko ang sarili ko, dapat ibigay din niya ang sarili niya ng buo sa akin.  I just need him to tell me that he love me, yun lang naman ang kailangan ko para may mapanghawakan ako.

Ano kaya ang pwede kong gawing excuse para hindi ako makarating sa private show mamaya? Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-kuwatro na pala ng umaga kaya bumangon na ako para mag-ayos at nang makapaghanda na rin ng breakfast.

Gumawa ako ng potato at ground beef torta.  Gustong-gusto ni Stuart ang spicy kaya dinamihan ko ang paglagay ng sibuyas tapos dinagdagan ko ng dinurog na paminta.

Haaachoo! Hahachoo!” bahin ko nang malanghap ko ang dinurog na paminta.

Teka – bahin? Paminta? Tama! Alam ko na kung ano ang pwede kong excuse mamaya. Napangiti ako sa naisip ko. Allergy ako sa alikabok pero mukhang magagamit ko ito para mamaya.  I just need to trigger my allergy para magka-sipon ako at yun ang gagawin kong excuse mamaya.

Natapos ko na ang pagluto ng breakfast habang nagtagumpay naman ako sa plano ko.  Bumigat agad ang ulo ko dahil sa sipon pero mukhang nasobrahan ko ata ang ginawa ko dahil mukhang nilalagnat na rin ako. Nararamdaman ko ang kaunting sakit ng ulo at bigat ng katawan.

Good morning,” masayang bati niya.

Good morning,” sagot ko.

Are you okay?” napansin siguro niya na masama ang pakiramdam ko kaya lumapit siya sa akin.

Yeah,” pag-aarte ko, ”I’m good,” kunwari ayokong malaman niya na masakit ang ulo ko. Ay grabe! Dapat pala sumali ako sa drama club, magaling pala akong umarte? Hahaha!

I don’t think you’re okay,” nag-alala siyang humawak sa noo ko, ”Sh*t! Mainit ka, Patricia.”

”S-stuart!” nagulat ako nang bigla na lang niya akong buhatin.

Hindi ka dapat bumangon. May lagnat ka kaya doon ka na lang sa kama. Dadalhan na lang kita ng breakfast,” sagot niya.

Hindi ako nakakibo pero pinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya. Wrong move! Mas naamoy ko siya tuloy. Naalala ko tuloy ang huling beses na kinarga niya ako ng ganito. Akala ko hindi na yun mauulit.  Naglakad siya patungo sa kwarto – NIYA!

Teka, bakit dito mo ako dinala?” natataranta kong tanong.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon