Chapter 23 - The Man That Can't Be Moved

602K 11.3K 1.2K
                                    

AN: HAPPY 150k+ READS!!!

*Patricia's POV*

Tatlong araw na mula noong naaksidente kami ni Kaz. Tatlong araw na ring hindi nagparamdam si Stuart. Naiinis ako dahil kahit ayokog umasa, umasa pa rin ako. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na magsisi dahil siguro kung bumigay ako kaagad, siguro naman masaya na ako ngayon kasi andito siya at binibigyan niya ako ng atensyon – pero hanggang saan? Hanggang kalian? Tama na rin siguro na nagpakipot ako. At least ngayon, nasukat ko kung hanggang kailan niya kayang suyuin ako. At eto na nga, tatlong araw siyang hindi nagparamdam.

"Patricia, nagkagulo sa labas. May naghahanap kasi sa'yo," inis na sabi ni Miss Melba sa akin, "puntahan mo na at nang matapos na ang kaguluhan doon."

Nagtaka ako sa sinasabi niya. Bakit naman nagkagulo sa labas at saka bakit naman mahinto ang kaguluhan kung lalabas ako? Plano ko sanang huwag nang pansinin pero narinig ko ang mga hiyawan sa labas kaya agad akong na-curious.  Ano ba ang nangyayari sa labas?

"Grabe ang kaguluhan," umiiling-iling na sabi ng shop manager, "isinarado ko na lang muna ang front door baka kasi masira pa ang mga gamit natin sa dining area. Patricia, lumabas ka na nga! Hindi raw kasi siya aalis hangga't hindi ka lumabas"

May parte sa puso ko na umasa na sana si Stuart ang ayaw umalis hangga't hindi ako makita pero impossible yun.  Stuart is persistent but he is persistent in another way kaya naisipan ko na baka si Kaz ang nasa labas. Bigla naman akong nakaramdam ng excitement ng maisip ko na possible ngang si Kaz ang naghihintay sa akin sa labas. Na-miss ko na rin ang lalaking yun kaya agad kong tinanggal ang apron ko at nagdali-daling lumabas.

Nakita ko agad si Kaz sa corner ng dining area. Pinalabas na rin ang ibang mga customers kaya kami-kami na lang ang nandito sa loob. Lalapitan ko na sana siya nang biglang pinatugtog ng kasama niya ang guitar.  Marunong mag-gitara si Kaz pero sa pagkakataong ito, kumakanta lang siya.  Kinanta niya ang kanta ng the Script na, "The Man that Can't Be Moved."  

Noong una ay hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanta, basta ang alam ko na kinikilig ako dahil isang gwapong si Kaz Legaspi na isang sikat na singer at artista ang siyang kumakanta sa akin ngayon.  Hindi ko alam, pero napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata nang kantahin niya ang mga katagang, " I know it makes no sense, but what else can I do. How can I move on when I'm still in love with you."

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Sana may magawa ako para hindi ko siya masaktan. 'Bakit ka nagpahulog, Kaz? Bakit sa akin pa?'

"Patricia, mag-usap tayo," bulong niya sa akin nang lapitan niya ako, "please?"

Hindi na niya hinintay na makasagot ako dahil agad niya akong hinila palabas ng dining area at tumungo sa back door. Hindi ako pumalag dahil alam kong kailangan talaga naming mag-usap.  May naghihintay na palang sasakyan sa labas kaya agad kaming nakasakay at nagsimula ng maglakbay. Kung saan kami pupunta ay hindi ko alam.

Sa totoo lang, may takot akong nararamdaman. Natakot ako na baka masira ko ang isang napaka-sweet at napaka-masayahing tao.  Ayokong maging dahilan ng kanyang pagbabago. Nakakabaliw isipin na ang isang palabirong tao ay magiging masungit dahil lang sa nasaktan ito.

Paano ko ba maipapaintindi na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na inaalay niya sa akin? Kakayanin ba ng konsensiya ko kung sakaling hindi niya matanggap ang desisyon at bigla na lang nitong sirain ang buhay? Alam kong napaka-nega ko pero sa lahat ng masamang nangyari sa buhay ko, siguro naman nadala na ako.  Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa lahat na pwedeng mangyari dahil walang ibang lalaban para sa akin kundi ako lang kaya dapat akong maging matatag.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon