Chapter 6 - Keeping Her Busy

595K 10.6K 484
                                    

*Stuart's POV*

"Ate, bakit ka naka-paa?" narinig kong sabi ng isang babae sa taong papasok ng bakeshop. Hindi ko sana ito mapapansin kung hindi lang dahil sa nakapaa lang itong pumasok sa bakeshop. Ano bang trip ng babaeng ito? Hindi ko alam kung ano ang drama niya pero ang alam ko, hindi 'yun effective. Kung akala niyang kaawaan ko siya pagmumukhang kawawa niya, nagkakamali siya.

Nalaman kong matagumpay niyang nagawa ang misyon niya kaya mukhang mahihirapan akong tanggalin siya sa trabaho. Nalaman ko ring itinuturing siyang asset ng bakeshop kaya hindi ko rin siya basta-bastang matatanggal; pero hindi naman ako nabigo – dahil sa sobrang pagka-abala niya hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na lapitan ako.

Kailangan kong mag-isip ng mga dapat niyang pagkaka-abalahan at nang hindi siya makagawa ng hakbang para lapitan ako. Tinapos ko na ang kape ko at tumingin sa aking relos. Masyado pang maaga para pumunta sa bar ni Mago kaya naisipan kong bisitahin na lang muna ang ama ko.

Naabutan kong nakahiga ang aking ama sa king-size bed niya sa kanyang kwarto sa mansion.  Alam kong masama ang loob niya sa akin dahil sa pakikipaghiwalay ko kay Patricia dalawang taon na ang lumipas pero alam kong hindi pa rin niya ako matitiis. Ako lang ang nag-iisa niyang anak kaya kahit hindi siya sang-ayun sa gusto ko ay wala pa rin siyang nagawa. Hindi maipinta ang saya sa mukha ng aking ama nang makita niya ako.

"Stuart –" mahina pero nakangiti niyang tawag sa akin.

"I'm here, dad," umupo ako sa gilid ng kama niya.

"I'm so glad to see you, son."

"Me too," tipid kong sagot.

"Nagkita na ba kayo ni Patricia?"

"Dad, we talked about this," hindi ko mapigilang mainis. Naghihirap na nga siya sa paghinga, si Patricia pa rin ang iniisip niya.

"I am sorry, son. Hindi ko lang mapigilang isipin na kung hindi sana kayo naghiwalay e di sana may apo na ako ngayon."

"Dad, hiwalay na kami. Tanggapin mo na 'yun na talaga ang tadhana namin," naiinis kong sambit.

"Pasensya na. Nasasabik lang siguro akong magka-apo. Sana makita ko man lang ang apo ko bago ako kunin ng Diyos," malungkot na saad niya.

Hindi man sa ayaw kong magkaanak. Sa katunayan ay nakyukyutan ako sa mga bata pero ni minsan hindi ko naisip na magkaroon ng anak kay Patricia.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon maliban sa pagpapatakbo ng kumpanya natin?" tanong ni daddy.

"Wala. Tambay lang kasama ang barkada," sagot ko.

"Baka gusto mong manood dito," sumenyas siya sa caregiver niya na parang may pinapaabot siyang card.

Napakunot ang noo ko ng makita kong isa itong VIP card ng Gracieux Performing company. Para saan 'to? As if naman nanonood ako ng mga ganitong klaseng palabas. I am not fond of variety shows and stage plays at alam yun ni daddy.

"Itago mo lang yan baka kakailangan mo yan pagdating ng panahon," paliwanag ni daddy.

Nagkibit na lang ako ng balikat at ipinasok na ito sa wallet ko. Wala akong planong gamitin ito pero kung sakaling hahanapin ito ng aking ama ay at least nasa wallet ko lang to nilagay.

Nagpaalam na ako kay daddy at umalis na papuntang bar ni Mago. Kailangan kong ilista ang lahat na pwedi kong iutos para magiging abala si Patricia. It is either she'll keep up or quit the job – at wala sa choices ang meet and make-up with me.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon