Chapter 2: His Worries

693K 12.2K 963
                                    

Stuart's POV

"Ladies and gentlemen, we have just landed at the Ninoy Aquino International Airport and we are now taxing to the NAIA Centennial Terminal 2. Welcome to Manila! For your safety, please remain seated with your seatbelts fastened until the fasten seatbelt sign has been switched off."

Nandito na talaga ako sa Pilipinas. Dalawang taon na rin akong hindi nakakabalik.  Kung tutuusin, kulang pa rin ang dalawang taon upang makalimutan ko ang lahat ng mga maling nangyari sa buhay ko. Ayoko pa sanang bumalik dito pero nagkasakit si daddy at bilang unico hijo at natatanging tagapagmana ng mga Cordoval, kailangan kong umuwi at gampanan ang responsibilidad ko.

"Patricia! Huwag ka ngang malikot," nagitla ako sa narinig ko kaya agad kong nilingon ang nagsalita.

"Pasensya na po. Malikot kasi 'tong anak kaya nasigawan ko," paghingi niya ng paumanhin.

Hindi naman ang pagsigaw niya ang nagpalingon sa akin kundi ang pangalang isinambit niya. Allergy na ata talaga ako sa pangalang niyan.  And if there is one thing that I would not do, that is to make our lives cross again.

Ilang minuto lang ang lumipas saka nagsibabaan ang mga pasaherong kasama ko mula sa eroplano. Tulad ng inaasahan ko, sinalubong ako ng mga kabarkada ko.

"Pare," salubong  ni Marco saka kami nag-close fist at nag-shoulder bump.

"Haha, ganoon niyo ako ka-miss at talagang kumpleto ang barkada?" natatawa kong sabi nang makita ko sina Mago, Angelo at Kaz.

"Bigla-bigla ka kasing nawala. Alam mo bang parang baliw sa kakahanap yung asa – " 

"Ex-wife, pare," hindi ko na pinatapos si Kaz, "And please, huwag na natin siyang pag-usapan."

"Ayos ah! Parang ikaw ang hiniwalayan," si Kaz nanaman.

Tinignan ko siya ng masama saka nauna nang maglakad.

Isang malaking pagkakamali ang pagpapaasa ko kay Patricia. Hindi ko siya dapat sinubukang mahalin kasi dahil doon, mas lalo siyang umasa. Kung nagpakatatag lang sana ako, sana naging masaya na kami ni Sandra ngayon.

*Flashback*

"Sandra..."

"Stuart, don't," umiwas ng tingin si Sandra sa akin.

"Sandra, mahal kita," hindi ako nagpapigil.

"Stuart naman eh. Hindi nga pwede," nagdabog si Sandra at tumalikod.

Lumipat ako sa harap niya at lumuhod, "Sandra bakit hindi pwede?"

"Stuart, mahal ka ng pinsan ko. Ayoko siyang masaktan," sagot ni Sandra.

"Eh paano tayo? Paano 'tong nararamdaman ko? Mas mahalaga pa ba ang nararamdaman niya kaysa nararamdaman natin?" saad ko.

"Mabait sa akin si Patricia at nung oras na namatay ang mga magulang ko, siya lang at ang pamilya niya ang tumulong sa akin," paliwanag ni Sandra.

"Dahil ba sa utang na loob kaya mo ako ipinamigay sa pinsan mo?" naiinis ako pero pilit ko pa ring kumalma.

"Intindihin mo ako, Stuart. Nahulog siya sa'yo dahil itinulak ko siya."

"Nagpatulak naman kasi siya pero kahit kailan hindi ako nagkagusto sa kanya. Sandra, ikaw ang mahal ko kaya please, huwag mo akong ipamigay sa iba," hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"I am sorry. Hindi ko kayang saktan ang pinsan ko," inalis niya ang kamay ko mula sa mukha niya.

Natataranta akong hinawakan ang mga kamay niya nang magtangka siyang umalis.

"Sandra, please," tiningnan ko ang mga kamay niya at hinimas himas ito, "tell me what I can do para maging tayo."

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko pero hindi ko masabi kung ano ang nasa mga mata niya. Was it pain? Or was it anger?

"If Patricia stops loving you and if by then I am still available, that will be the time," malamig niyang sabi.

Pag-asa na rin 'yun kaysa wala talaga akong panghahawakan.  I will make Patricia hate me. If that is the only way para magiging masaya kami ni Sandra, gagawin ko 'yun.

*End of Flashback*

"Hoy, pare! Lutang ka nanaman. Sino ba yan? Si Patricia o bagong babae?" nang-aasar nanaman si Kaz.

"Tumigil ka, pare, baka maupakan kita diyan," mariin kong sabi sa kanya.

"Makinig ka kasi," natatawa pa rin ito, "Kanina ka pa kaya namin kinakausap, wala ka naman sa tamang wisyo."

"Sorry, jet lag siguro,"pagdadahilan ko, "So ano ba ang pinag-uusapan niyo?"

"Anniversary namin ni Janine next week. Gusto ko sanang kumpleto ang barkada doon," sagot kaagad ni Marco.

"Pass na lang muna ako pare," agad kong sagot.

"Wala namang ganyanan, pare," si Marco.

"Alam niyo namang may iniiwasan ako di ba? At saka bestfriend siya ni Janine, siguradong pupunta yun sa party mo. As much as possible, ayoko munang malaman niya na nandito na ako sa Pilipinas" paliwanag ko.

"Too late, pare," napailing si Marco, "magkasama si Patricia at Janine ngayon, ibig sabihin, nasabi na ng asawa ko ang tungkol sa pagdating mo."

"D*mn it! Bakit mo sinabi kay Janine?" nainis ako.

"Makulit eh, nadulas ako kanina nung nagtanong siya," napakamot naman sa batok niya si Marco.

Napabuntong hininga na lang ako  saka sinabing, "Sige, pero gaya ng dating gawi. Tutulungan niyo akong makaiwas kay Patricia."

Wala akong narinig na sagot nila pero nakita kong tumango silang lahat.

"Don't you want to know what happened to your ex-wife?" tanong si Kaz.

"I told you! I – DON'T – F*CKING – CARE!" hinigit ko sa kwelyo si Kaz.

"Easy lang, pare" pinaghiwalay kami ni Mago.

Nakita kong nagkatinginan sina Marco at Kaz pero inirapan ko lang sila. Naiintindihan ko na naawa sila kay Patricia pero hindi ba sila naawa sa akin? Nawala ang pag-asa kong lumigaya sa babaeng tunay na minahal ko dahil lang sa kanya.

"Pupunta ako pero ipangako niyong hindi makakalapit si Patricia sa Akin. Alis na ako, magkita na lang tayo next week," sabi ko saka umalis.

_________________

First publish: February 6, 2015

Revised: June 14, 2016


Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon