What Happened Then (Flashback)2 - The Surprise

556K 8.7K 223
                                    

*Patricia's POV*

Inihanda ko ang sarili ko sa maaaring sabihin ni daddy. He called me to meet him for dinner. Normally, I don't get nervous when he does this pero hindi ngayon. Naabutan kasi nila kami ni Stuart sa condo ko – we were making out on the sofa when they came in unnoticed.  Hindi naman ako napagalitan ni Daddy pero alam kong nagalit siya sa nakita niya.  Nag-iisang anak nila ako at hindi sila nagkulang sa pangaral sa akin. Lagi ring sinasabi sa akin ni mommy na okay lang na magkaboyfriend ako basta't ipakilala ko muna sa kanila at wala munang all-the-way hangga't hindi pa kami kasal. Eh wala naman talagang all-the-way kasi we were just making out.

"Excuse me, Miss?" tawag pansin sa akin ng receptionist, "Do you have a reservation?"

"Yes, my parents are here – Mr. and Mrs. Sandoval," sagot ko habang agad namang tinignan ng receptionist ang monitor.

"Ah yes, VIP room. This way po," sabi niya sabay tayo at iniwan ang kasama niyang receptionist.

Iginiya niya ako sa isang malaking kwarto kung saan ay nandoon na ang mga magulang ko kasama ang isang hindi ko kilalang lalaki.

"There she is," masayang pagtukoy sa akin ni Daddy at tumayo pa ito para yakapin ako. Sumunod naman si mommy na hinalikan rin ako sa pisngi. Nagugulohan ako sa mga inasal nila. Ano ba ang meron?

"Dad?" patanong kong pagbati sa kanila na agad naman nilang naintindihan kaya ipinakilala nila ako sa kasama nilang lalaki.

"Hija, I want you to meet Sean.  I bet you haven't met him yet,"si daddy.

Ngumiti ako, umiling bilang sagot sa tanong ni Daddy at nakipagkamayan bilang paggalang. May something sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Parang kasing-edad lang niya si Daddy pero kahit mejo may edad na ay lumilitaw pa rin ang ka-gwapohan nito.

"Sean is my childhood best friend. Hahaha! Kaibigan ko na ata siya simula nagkamulat ako," patawang sabi ni Daddy.

Childhood best friend? Bigla akong nakaramdam ng takot dahil parang alam ko na ang pakay ng pagtatagpong ito.

"Ngayon lang kami nagkita at nalaman kong lalaki pala ang anak niya," pagpapatuloy ni Daddy.

Parang gusto kong umatras para hindi na niya maipagpatuloy ang gusto niyang ipahiwatig pero huli na ang lahat dahil ang kaibigan na niya ang nagsalita, "GUSTO KITA PARA SA ANAK KO."

Para akong nabingi sa narinig ko. Ano? Gusto niya ako para sa anak niya? Ano ako? Laruang pweding ipang-regalo sa anak niya? Is this one of those cliché arranged marriages na nababasa ko? Ayokong makulong sa isang kasalang walang pagmamahal. Okay lang sana kung kay Stuart ako ipapakasal pero to some guy that I don't know? NO WAY!

"I am sorry, sir. I already have a boyfriend at nagmamahalan po kami," pagtanggi kong sabi.

"Exactly!" masaya niyang sambit na mas lalong nagpagulo ng isip ko, "that is exactly the reason why I want you for my son."

Gusto ko pa sanang tumutol pero bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang anak ng kaibigan ni daddy.


*Stuart's POV*

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag-imbita si daddy ng dinner. Hindi kami masyadong close ni daddy dahil mula noong namatay si mommy ay nagpakasubsub siya sa trabaho. Hindi ko naman siya masisisi, mahal na mahal niya ang mommy kaya hindi niya matanggap na ganun kaaga itong kinuha ng Diyos.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon