Chapter 5 - His Evil Ways

638K 12.5K 765
                                    

AN:Wala pa sana akong planong mag-update ngayon kaya lang sobrang natuwa ako nang makitang umabot na ng 1000 reads ang story nito (dinaig pa ang "When the Foolish Heart Beats"), kaya naisipan kong mag-update para pasalamat na rin sa lahat ng nagtiyagang bumasa nito --- sa lahat ng readers (silent man o maingay) sobrang thank you talaga. Sana na-enjoy niyo itong story na 'to.  Salamat din kay Stoutheart  sa supporta at kay SeanZie_Watty (dahil siya ang makulit na i-push ko 'tong storyang 'to --- kung hindi dahil sa kanya, talagang mabagal ang update nito)

_________________________

*Patricia's POV*

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng paraan kung paano ko makokompleto ang isang daang blueberry cheesecakes na order ni Stuart. Kahit pina-intindi na ni Ma'am Marjorie na hindi kaya ng capacity ng chiller sa main branch ang dami ng order niya ay pinipilit pa rin niya ang gusto niya at kung hindi ito matutupad, mawawalan ako ng trabaho.  Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Malaki na nga ang problema ko dahil kulang ang perang pambayad ko sa bangko ngayon katapusan, mawawalan pa ako ng trabaho.

"I am sorry Patricia, gusto ko mang mag-assign ng assistant mo pero mahigpit na ipinagbilin ng CEO na ikaw lang daw ang gagawa sa mga inorder niya," paghinging paumanhin ni Ma'am Marjorie.

Hindi ko alam kung ma-flaflatter ba ako o maiinis sa narinig ko. Flatter, dahail baka gusto niya ang gawa kong blueberry cheesecakes kaya dapat ako lang ang gumawa; pero naiinis kasi baka ginagawa lang niya ito para pahirapan ako. Tumango na lang ako at tumungo na lang sa stock room. Maliban kasi sa problema sa capacity ng chiller ay hindi ko pa na-check kung may sapat ba kaming stocks para makagawa ng isang daang blueberry cheesecakes.

Habang inihanda ko na ang mga kakailanganin kong mga sangkap ay nakaisip naman ako ng paraan para makokompleto ko ang isang daang order ng blueberry cheesecakes. Dahil dito, determinado akong nagsimulang gumawa ng blueberry cheesecakes.

"Sorry Stuart pero haharapin ko kung ano man ang hamon mo. Hinding-hindi mo ako mapapaalis sa trabaho ko. I will prove you my worth!" sa isip ko.

Gumawa muna ako ng tatlumpong blueberry cheesecakes at inilagay ang mga ito sa chiller.  Habang pinalamigan ko ang mga ito ay gumawa nanaman ako ng pangalawang batch. Nang matapos ako sa pangalawang batch ay pinasok ko ang mga ito sa chiller habang yung first batch naman ay pina-deliver ko sa mga kalapit na branches para doon na ipagpatuloy ang pagpapatigas ng mga ito.  Cool di ba? Huh! Anong akala ni Stuart sa akin?  He wants war? I'll give him war – paborito ko ata si Gretchen Barreto.

"Ate, break ka muna. Three o'clock na pero hindi ka pa nakapaglunch," untag ni Rea sa akin.

"Okay lang ako, kailangan kong tapusin ang pangatlong batch para ma-ihabol ko sa delivery truck yung nakalagay ngayon sa chiller," sagot ko.

Sa totoo lang, nagugutom na rin ako pero wala naman akong magagawa.  Bukod kasi sa kailangan kong makompleto ang orders ngayong araw na 'to dahil kakailanging manatili ang mga ito ng isang araw sa chiller bago pweding ibenta, wala din talaga akong budget para kumain ng lunch. Konti na lang kasi ang natirang pera sa akin at kailangan ko pa itong pagkasyahin ng isang lingo. Naglakad na nga lang ako kanina nang pumasok ako sa trabaho para makatipid.  Hihintayin ko na lang na may ma-declare na TA (throw away) ang bakeshop para may makain ako mamaya – sana kahit isang cookie lang.

Kasalukuyan ko nang pinapasok sa chiller ang pangatlong batch ng blueberry cheesecakes ng pumasok ang driver ng delivery truck at ibinalik ang sampung layer ng blueberry cheesecakes na ipinasuyo kong i-deliver niya sa isang branch.

"Kuya, bakit mo 'to binalik?" tanong ko.

"Pasensya na po, Ma'am. Napagalitan po kasi ako ni Sir Stuart. Hindi daw kasali sa ide-deliver 'tong blueberry cheesecakes kaya hindi daw pweding ikarga."

Anak ng – ! Umuusok ang ulo ko na lumabas para sana kausapin ang walang modo kong amo pero nakaalis na pala ito kaya napagpasyahan kong gawan ko muna ng paraan para masiguradong hindi matutunaw ang mga ginawa kong blueberry cheesecakes. Saka ko na siya kakausapin kapag matapos ko na ang problema kong ito.

Napasabunot ako sa buhok ko nang mapagtantiya kong limang daan na lang pala ang pera ko kaya kung ikakarga ko sa taxi ang mga cakes ay tiyak na wala talaga akong kakainin hanggang sa katapusan. One-day-one-eat na nga lang ako, mukhang ang mangyayari  pa ngayon ay hindi na talaga ako kakain hanggang sa susunod na sweldo.

I heaved a sigh and finally decided to call a taxi. Wala na rin akong magawa kaysa namang matunaw ang cakes at mawalan pa ako ng trabaho. Okay na siguro yung ilang araw na hindi muna ako kakain kaysa wala talagang kakainin dahil nawalan ng trabaho. Mabuti na lang at may isa pang malapit na branch kaya hindi siguro masyadong malaki ang babayaran ko sa taxi. Maglalakad na lang ako pabalik.

Tinulongan ako nina Ryan at Rea para maipasuk sa taxi ang mga gawa kong blueberry cheesecakes.  Naawa din sa akin ang iba kong mga kasamahan dahil inalok nilang sila na daw ang magpapasok sa gawa kong pangatlong batch ng blueberry cheesecakes sa chiller. 

Ako na mismo ang nagdeliver ng cakes kasi hindi ko raw pweding i-utos ito sa iba. Tahimik lang ako habang nilalakbay namin ang Makati. Sa totoo lang, gusto kong sumigaw sa galit. Ano ba talaga ang problema sa akin at talagang kinamumuhian ako ng dati kong asawa? Tanggap ko na kahit kalian ay hindi niya ako kayang mahalin pero sana naman, kahit respeto bilang isang babae ay maipagkaloob niya sa akin.

Agad kong ipinalagay sa chiller ang mga cakes nang makarating ako sa isang branch. Nang makatapos ay napatingin ako sa orasan – 4:30PM na pala, kailangan ko pang maglakad patungong main branch. Kailangan ko pang gumawa ng sampung cakes at ililipat naman ang sampong nasa chiller sa iba nanamang branch.

Tiniis ko ang pagod at gutom kaya nagsimula agad akong maglakad. Hindi ko naman alam kung sadyang napaglaruan lang talaga ako ng tadhana o talagang araw ko ng kamalasan ngayon. Sino ba namang mag-aakalang ngayon pa masisira ang sapatos ko kung kailan namang kailangan ko pang magmadali.

Huminga ako ng malalim  saka ko hinubad ito at ipinasok sa bag. Sa madaling salita, maglalakad ako ng naka-paa para lang makabalik ako sa main branch. Sana hindi ako masugatan sa daan dahil quotang-quota na talaga ako sa kamalasang natamo ngayong araw na 'to.

"Ate, bakit ka naka-paa?" sinalubong ako ng pauwi na sanang si Rea.

Hindi na ako sumagot dahil nakikita ko ang halimaw na amo ko sa dining area kaya nagmadali akong pumasok sa kitchen. Ano ba ang ginagawa  ng mokong na 'to dito? Sinisigurado ba niyang nahihirapan ako sa pinaggagawa niya kaya nandito siya. Well, I am not going to satisfy him kaya taas noo akong naglakad papuntang kitchen kahit naka-paa lang ako.

 "Ate, okay ka lang?" tanong ni Rea na sumunod pala sa akin.

"Nasira yung sapatos ko kaya nag-paa na lang ako. Hindi naman ako makabili ng bago kasi konti lang ang dala kong pera," paliwanag ko saka nagbihis ng uniporme.

"Uuwi ka na?" pilit kong iniba ang usapan, "Mauna ka na, kulang pa kasi ako ng sampu eh."

"Ah sige," tanging sagot niya pero bakas pa rin sa kanyang boses ang pag-aalala.

_________________________

Alas otso na nang gabi nung matapos ko ang huling batch ng refrigerator cake. Mabuti na lang at nagmagandang loob si Ma'am Marrjorie  na i-deliver ang sampong cakes sa isa pang branch. Madadaanan naman daw niya ito kaya siya na lang daw ang magdedeliver. Hindi rin naman daw to malalaman ni Stuart dahil sampong cakes lang naman daw 'to.

Walang buhay akong tumungo sa locker room para magpalit. Naiiyak ako nang buksan ko ang locker pero pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Tama na yung minsan ay naranasan kong umiyak, ayoko nang umiyak. Gaya ng dati kong pinaniniwalaan, ang pag-iyak ay simbolo lamang ng kahinaan. Kaya sa halip na  iiyak ko ang sama ng loob ko ay ilalakad ko na lang, tutal wala naman akong extra para pamasahe.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon