Chapter 49 - Taking Control

464K 6.9K 283
                                    

HAPPY BIRTHDAY TO FELROSE BILLONES ^_^

*Patricia’s POV*

 Kinakabahan akong naghihintay para sa job interview ko ngayon.  Napagpasyahan ko kasing maghanap nalang ng trabaho para makaalis na ako sa bahay nina Kaz.  Kahit naman kasi hindi ako sinisi ni Kaz at Vivienne, alam kong ako ang naging ugat ng bangayan nila kagabi.  Nag-aalala rin kasi ako dahil pang-sampung kompanya na itong inaapplyan ko pero ni-isa walang nagpakita ng interes para tanggapin ako.  Sa katunayan, eto na ata ang huling kompanyang maaari kong pagtrabahoan.  Kapag hindi pa rin ako tatanggapin dito, tiyak na sa mga bar ako babagsak.

Patricia Sandoval,” tawag sa akin ng sekretarya kaya agad akong tumayo para lumapit sa pintuan.  Ngumiti ako ng malapad habang tinatago ang kaba pero agad akong napasimangot sa sinabi ng sekretarya, ”makakauwi ka na.  Hindi ka na raw iinterbyuhin ng HR.”

T-teka lang, Miss,” pinigilan ko siyang umalis, ”unfair naman ata yung ginawa niyo sa akin.  Isang oras akong naghintay pero kahit limang minutong interview hindi man lang maigawad sa akin?

Pasensiya na po, Miss,” hindi siya makatingin ng diretso sa akin, ”yun po kasi ang utos ng amo ko.”

Nag-init ang mukha ko dahil sa sobrang galit kaya kahit walang imbetasyon ay agad akong pumasok ng opisina ng HR.

Miss, teka lang po!” habol ng sekretarya sa akin pero hindi ko ito pinansin.  Hindi makatarungan ang ginawa nilangpagpapahintay sa akin sa wala kaya pumasok ako ng opisina para ipaglaban ang karapatan ko.

S-sir sorry po,” nakayukong saad ng sekretarya nang makapasok na kami sa opisina, ”nagpumilit pa kasi siyang pumasok eh.

It’s okay,” saad ng mejo matandang lalaki at pinalabas na ang sekretarya.

Ano ang kailangan mo?” tanong niya sa akin.

Nandito ako dahil may job interview ako ngayon,” mataray kong sagot.

Didn’t my secretary tell you na hindi ka naming i-hire?

Nasabi po niyo pero hindi naman ata tama yung paghintayin ako ng isang oras para pagsabihan lang na umuwi na!” bahagyang tumaas ang boses ko.

Easy lang Miss Sandoval,” sabi niya habang nilalaro ang hawak na ballpen, “maganda ang resume mo pero hindi kahit magpa-interview ka, hindi ka naman pwede naming tanggapin.”

Bakit? Maganda naman ang records ko ah,” pagtatanggol ko sa sarili.

Tama ka. Maganda ang records mo at kung hindi lang dahil sa tawag ni Mr. Cordoval, ti–

Cordoval?” putol ko sa sasabihin niya, ”Do you mean Stuart Cordoval?

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon