Chapter 43 - Get Wasted

448K 6.9K 590
                                    

*Patricia’s POV*

Gulong-gulo ang utak ko habang tumatakbo palayo.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ang gusto ko lang ay makawala sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.  Gusto kong tanggalin sa puso ko ang sobrang bigat na nararamdaman ko ngayon at pakawalan ang lahat ng lakas ko para mapagod na ako at para mawalan na rin ako ng lakas na umasa pa.  Walang wala na ako at hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko na alam kung paano pa ako babangon dahil sobrang lugmok na ako.

Sa sobrang bilis ng aking pagtakbo, hindi ko na napansin ang hindi pantay na daan kaya mabilis akong nadapa pero kahit malakas ang pagkasalampak ko sa lupa, mas masakit pa rin ang nararamdaman ko sa dibdib ko.  Ayoko na.  Hindi ko na kaya. 

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone kaya hinugot ko ito mula sa bulsa ko.  Nakita kong tumawag si Stuart kaya agad kong ini-end ang call niya at nagdial ng ibang number – tinawagan ko si Kaz.  Alam kong may Vivienne na siya pero wala na akong pakialam.  Panahon na siguro para ako nanaman ang magiging selfish.  Alam kong mahal pa rin ako ni Kaz at sa isang tawag ko lang, agad niya akong pupuntahan dito.

Patricia?” agad na sagot ni Kaz.

Kaz,” yun lang ang nasabi ko dahil agad akong napahagulhol.

Patricia! Tell me where are you? Susunduin kita,” madiin niyang pagkasabi pero bakas pa rin ang pag-alala niya kaya hindi na ako nag-atubiling sabihin sa kanya kung saan niya ako pwedeng puntahan.

I am sorry Vivienne,’ nasabi ko sa isip ko, ’pero kailangan ko lang talaga si Kaz ngayon.

Patricia, tama na yan,” pagpigil ni Kaz ng akma kung inumin ang panglimang bote ng beer.

Don’t you dare stop me, Kaz Legaspi!  I simply want to get wasted, do you hear me?” galit kong saad sa kanya.  Hindi naman talaga ako umiinom pero hindi bago ang mga alak sa akin dahil natikman ko na ang iba’t ibang klasing inumin dahil kasali ito sa training namin bilang Hotel and Restauran Management graduate.  Kahit kasali sa training namin ang kung paano tumikim ng alak na hindi malalasing, mas gusto kong malasing ngayon. Pakiramdam ko kasi wala nang mawawala sa akin.

Patricia, ano ba ang pwede kong gawin para tumigil ka sa pag-inum?” pagsusumamo ni Kaz.

Kumanta ka,” mariin kong sabi, ”kantahan mo ako, Kaz. Yung kantang para lang talaga sa akin.”

Hindi ko alam kung may halong biro ang pagrequest ko ng kanta sa kanya pero pakiramdam ko gusto ko lang maranasan na ako lang ang inintindi.  Nakaramdam ako ng pagmamalaki sa sarili nang tumayo si Kaz at lumapit sa mini-stage ng bar.

This song is for the girl who owned my heart,” sabi niya na agad namang nagpakilig sa mga taong nandun.  Ang inisip ng karamihan ay para kay Vivienne ang kanta pero alam na alam kong para sa akin ang kantang yun.

Escaping nights without you with shadows on the wall.  My mind is running wild trying hard not to fall. You tell me that you love me but say I'm just a friend,” panimulang kanta niya sa kanta ni Enrique Iglesias na pinamagatang, “Why Not Me.”

Napangisi ako nang tumingin siya ng diretso sa akin habang nagpatuloy sa pagkanta, “My heart is broken up into pieces 'cause I know I'll never free my soul. It's trapped in between true love and being alone. When my eyes are closed the greatest story told. I woke and my dreams are shattered here on the floor.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon