Chapter 9 - The PatStu/StuPat Hitchhiker

662K 11.1K 1.4K
                                    

*Stuart's POV*

Patuloy pa rin ang katuwaan sa kantahan - Kasalukuyang naglakad si Angelo patungo sa mini-stage para kumanta habang pabalik naman si Kaz at si Patricia sa kani-kanilang upuan. Nangyari iyun habang inabutan ako ng baso ni Mago na may lamang alak. Lihim kong sinundan ng tingin si Patricia habang tinungga ko ang alak sa baso.

"Pare, lapitan mo na. Huwag kang pasimple diyan!" tinap ako ni Kaz.

Inismidan ko lang siya sabay lapag ng baso sa mesa.

"Sagutin mo nga ako, Pare," ipinatong ni Kaz ang kanyang siko sa mesa habang pinagsaklop ang dalawang kamay, "Ano ba talaga para sa'yo si Patricia?"

"She's my ex-wife," agad kong sagot sa kanya.

"Talaga ha?" nang-aasar nanaman 'tong gagong 'to, "Huwag mo akong bolahin, Pare. Ilang beses mo mang i-deny sa akin. Alam na alam kong may lugar si Patricia sa puso mo. You love her, Pare. Ayaw lang talagang tanggapin ng utak mo noon dahil akala mo si Sandra ang mahal mo."

"Ang corny mo, Pare. 'Yan na siguro ang napala mo sa pagpasok mo sa showbiz," sabi ko sabay kuha ng isa pang bote ng alak.

"Nah – but kidding aside, wala ka nang pag-asa kay Sandra. Hindi mo ba susubukang mahalin si Pat?" tanong niya bago tinungga ang basong may alak.

"That will never happen. Ayokong magkaroon ng ugnayan kay Sandra o sa kahit kaninong may ugnayan sa kanya," paliwanag ko.

"Huling tanong" seryoso siyang tumingin sa akin, "Gusto mo ba talagang lumayo si Pat sayo?"

"Pahihirapan ko pa ba siya kung gusto ko siyang nasa malapit lang?" inis na sagot ko.

"Gusto mo, ilayo ko sa'yo si Pat?" tanong niya at tumungga ulit ng alak.

"Kaya mo ba?" hamon ko sa kanya.

"Kung magagawa ko, ano ang premyo?" pilyo siyang ngumiti sa akin.

"Name it!"

"Double date," bahagya siyang tumingin kay Patricia saka ibinalik sa akin ang tingin, "Mag-double date tayo. Ako at ang ka-date ko tapos ikaw kasama kung sino man ang date mo; and of course, all expenses paid by you."

Hindi ako naka-imik sa kondisyon niya.

"Oh, ba't ka natahimik? Natatakot ka bang mawala sa'yo si Pat?"

"Hindi ah! Sige, cool ako diyan," nagmadali akong sumagot, "pero dapat magawa mo 'yan sa loob ng isang buwan."

"Pwede, pero huwag nating isali ang isang linggong mawawala ako dahil sa concert tour," dagdag niya.

"Okay," isinandal ko ang likod ko sa silya at nagdekwatro, "kailan mo sisimulan?"

"Ngayon na!" sabi niya sabay tayo patungong mini-stage at nilapitan si Jannah na agad namang tumayo dahil kakatapos lang kumanta ni Angelo.

"Sabi ni Kuya Kaz kakanta po daw siya ulit dahil hindi naman daw solo yung ginawa niya kanina. Payag ba kayo?" tanong ni Jannah na agad namang sinagot ng 'Oo' ng audience.

Napangiti ako ng lumabas ang title ng kantang kakantahin ni Kaz, "Crazy for You."   Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko 'to. Ang baduy kasi; nakakabakla pa ang song choice niya.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon