*Patricia’s POV*
Gumising ako na may tila mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Masakit ang buong katawan ko at mabigat ang ulo ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang nakadagan sa akin. Amoy pa lang niya alam ko na. Ayoko sana siyang gisingin pero tumunog ang alarm ng cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-off ang alarm. Nag-alarm kasi ako dahil kailangan kong maagang gumigising para ipagluto siya ng almusal. Oo nga pala, bedwarmer ang trabaho ko kagabi, ngayon naman personal chef niya.
Narinig ko siyang umungol kaya alam kong ayaw pa niyang bumangon. Dahil nagpatuloy pa rin ang pagtunog ng alarm ng cellphone ko, naisipan kong dahan-dahang tumakas mula sa pagkayakap ng kanyang kamay at hita. Pero nabigo ako dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin.
“Stuart, umaga na,” reklamo ko, “oras na para gampanan ko nanaman ang pagiging personal chef mo.”
“Ikaw na lang ang agahan ko,” sabi niya at pumaibabaw sa akin.
Gusto kong kiligin pero naiinis ako sa isipan ko dahil alam kong walang bahid na pagmamahal ang ginagawa niya kaya nagtaray-tarayan ako, ”Ang alam ko, tuwing gabi ko lang gagampanan ang pagiging bed warmer ko sayo. Umaga na, Stuart, it is my time to do my OTHER jobs,” sadyang diniinan ko ang pagkasabi ng ‘other.’
“I intend to take you anywhere and anytime, babayaran naman kita, di ba?” he said saka ako hinalikan.
Hindi marahas ang halik na iginawad niya sa akin pero nasasaktan ako. Bakit ba magkaiba ang lumalabas sa bibig niya at ang pinaparamdam niya sa akin sa tuwing hahalikan niya ako. Naiinis naman ako sa sarili ko dahil umaasa ako na balang araw matutunan niya akong mahalin. Ibibigay ko sa kanya ang lahat hanggang masanay na siya na nandito ako.
I may be his bedwarmer, but I will make sure na hahanap-hanapin niya itong bedwarmer na ‘to.
Pareho kaming hinihingal na nakahiga sa kama nang tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello?” sagot niya habang bumangon siya at umupo sa gilid ng kama.
“I’ll be there,”bigla siyang tumayo at pinulot ang mga damit niya.
“Magbihis ka na,” utos niya, “kailangan kong makarating ng maaga sa opisina.”
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng insulto. Ganun lang yun? Matapos niya akong gamitin, basta lang kami aalis? ‘Ano ba ang hinihintay mo, Patricia?’ sermon ng utak ko, ‘bayaran ka lang, di ba?’
Masakit man pero yun ang totoo. Para akong sigarilyong upos na pagkatapos sipsipin ang katas ay basta na lang isasantabi. Bumangon na ako at kinuha ko ang mga damit ko.
’Sana, Stuart,’ bulong ko sa sarili ko, ’sana sa gabi-gabing pagsisiping natin, matutunan mo akong mahalin ng buo.’
*Stuart’s POV*
Kanina pa ako nababato dito sa meeting namin with the foreign investors. Ipinakilala kasi sila sa amin ni Mago kaya himbis buong araw kong makasama ang babaeng mahal ko, hindi ko magawa kasi nakikipag-usap ako sa mga mongoloid na ’to. Don’t get me wrong, mga gwapo naman ang mga Koreano, sadyang pogi lang talaga ako para ikumpara sa kanila.
Ang mas nakakainis pa, kanina ko pa sinusulyap-sulyapan si Patricia na kanina pa pangiti-ngiti habang binabasa ang text messages na natanggap niya. Ganun din kaya siya kung ako ang magtext sa kanya?
BINABASA MO ANG
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
RomansaSeven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at...