Chapter 48 - Tricks of the Trade

494K 7.4K 321
                                    

"Heartbreaks happen to everyone as they grow up.  You find out who you are and what you want, and then you realize that people you've known forever don't see things the way you do.  So you keep the wonderful memories, but you find yourself moving on." – Nicholas Sparks

*Patricia's POV*  (Pretty Patricia is trying to move on --- on the media)

Nagising ako dahil sa gutom, hindi naman sa hindi ako kumain kanina pero dahil siguro ito sa pansit canton with marshmallows lang ang kinain ko kanina kaya nagugutom ako ngayon.  Bumangon ako para magtimpla ng gatas pero hindi ako natuloy sa kusina dahil narinig ko si Vivienne na may kausap sa telepono.

"Don't worry about me.  I can take care of myself," narinig kong sambit niya.  Teka, umiiyak ba siya?

"Ganyan naman talaga 'di ba? Sa love kasi, walang bulag, walang pipi or bingi, pero maraming tatanga-tanga lang kaya huwag ka nang magulat kung isa na ako doon sa mga naging tanga," hindi ko alam kung bakit ako nagtago at nagpatuloy sa pakikinig.  Siguro out of curiousity kaya ako nandito. 

"Alam ko," natatawa siya pero halatang umiiyak pa rin, "pero ika nga ni Jennilyn Mercado, Wala namang magbibilang kung ilang beses kang magpakatanga di ba? Kaya hayaan niyo na lang muna akong maging tanga dahil kahit masakit, masaya pa rin ako na ako ang tutulung sa kanya upang makapag-move on"

Wait, is she talking about her feelings to Kaz?  My gosh! Tama nga si Janine.  Hadlang lang ako sa love story nila, kung baga ako ang kontrabida. Dapat pala talaga akong umalis dito pero saan naman ako pupunta?  Hindi ako pwedeng makitira kina Janine, I am sure mas gugustohin nilang uuwi ako kay Stuart.

Nakaalis na rin si Arlene papuntang Singapore.  Eto kasing si Mago, wala na lang ibang ginawa kundi iparamdam sa kanya na isa lang palamuti sa buhay niya si Arlene.  Sasama dapat ako sa kanya pero hindi ako nakaalis dahil bigla na lang nag-error daw ang system at yung seat number ng eroplano na dapat sana nakapangalan sa akin ay naibigay nila sa iba.

Kung meron lang sana akong pera, uupa na lang ako ng kwarto.  Ang hirap naman pala ng kalagayan ko ngayon.  Hindi tulad noon na kahit papaano ay may konting pera ako para makapagsimula, ngayon kahit isang sentimo, wala ako. 

Narinig kong tumunog ang tiyan ko hudyat na nagrereklamo ito.  Ewan ko ba, dati ko namang nakakayanan ang gutom ah. Nasanay na siguro ako na laging may nakakain kaya eto ako, gutom na gutom. Alam ko na magiging awkward kung lalabas ako para magtimpla ng gatas pero nagugutom na talaga ako eh kaya kanapalan ko na lang ang mukha ko at lumabas sa pinagtataguan ko.

"A-ate," nagulat siya ng makita ako, "k-kanina ka pa jan?"

"Huh? Naku hindi," kunwari ay kinusot ko ang mga mata ko, "kakalabas ko lang.  Magtitimpla sana ako ng gatas.  Sige, sa kusina muna ako," nakita ko siyang tumango saka nagpaalam sa kausap.

"Ate baka gusto mo ng fettuccini, may dala ako kanina,"sumunod siya at kinuha ang isang food container, binuksan ito at ibinigay sa akin.

"Hmp," napatabon ako sa ilong ko, "I-I'm sorry Viv pero hindi kasi ako kumakain ng fettuccini, ayoko kasi sa butter," hindi naman ako maarte, hindi lang talaga ako sanay kumain ng fettuccini, lalong lalo na kapag  naamoy ko ang butter. 

"Ah sorry, eto kasi ang lutong itinuro kanina sa talkshow eh," paliwanag niya sa akin.

"Okay lang," ngumiti ako sa kanya, "uhm, gusto mo bang matutong magluto?" tanong ko.  Naalala ko kasi minsan na nagalit sa kanya si Kaz dahil nasunog ang isang kaldero nang magluto siya.  Eto naman kasing batang 'to, hindi nagsabi na hindi pala marunong magluto at si Kaz naman, nag-order pa ng sinangang kaya ayun nilagay ang bigas sa kaldero na may cooking oil at saka dinagdagan ng itlog. Natawa nga ako dahil hindi niya pala alam na kailangan niya munang magluto ng kanin bago makagawa ng sinangang.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon