Chapter 56 - Sexual Sorbet

528K 6.8K 388
                                    

*Patricia's POV*

"Who wants chocolate chips cookies?" tanong ko sa dalawang taong tutok na tutok ngayon sa telebisyon.

"Me!" magiliw na sagot ni Lexy, "I want some."

"Okay," natatawa akong lumapit sa kanila, "Eh yung isa ko pang baby?" tumingin ako kay Stuart, "Ayaw ba niya ng chocolate chips cookie?"

"Love, huwag mo akong tawaging baby," ngumuso siya, "nakakaasiwang pakinggan."

"Sweet naman ah," napanguso din ako. Hinawakan niya ang baywang ko at hinila papunta sa kanya kaya ngayon, nakaupo na ako sa kandungan niya.

"Love, huwag ka nang magalit," isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko, "ayokong tawagin mo akong baby dahil ang gusto ko, ikaw ang baby ko."

"Love," pilit akong kumawala sa kanya, "tigilan mo na yang kalandian mo, may bata sa tabi."

"Okay lang yan," saad niya saka binaling ang tingin sa bata, "how should I show mommy Patricia that I love her?"

"Uhm," umaktong nag-iisip ang bata, "Daddy Xander always kiss mommy Sandra," biglang lumiwanag ang kanyang mukha, "that's it daddy!" magiliw niyang sabi, "You have to kiss mommy Patricia, quick!"

"Paano yan, Love," pilyo siyang ngumiti sa akin, "halikan daw kita."

"Ikaw talaga," mahina ko siyang pinalo sa balikat pero ako na ang lumapit sa kanya para halikan siya.

"Mom-mhi," natigil ang halikan namin nang marinig namin si Lexy.

"Lexy?" agad ko siyang nilapit, "what's wrong, baby?" naiiyak akong nagtanong.

"I-I c-can't b-breathe," pilit niyang sinabi habang hawak nito ang dibdib.

"Dalhin natin siya sa ospital!" napatingin ako kay Stuart na agad namang kumilos. Kinarga niya ang bata habang nagmadali naman akong kinuha ang susi ng sasakyan.

*Stuart's POV*

Kanina pa pabalik-balik sa paglakad ang asawa ko habang hinihintay ang doktor tumingin kay Lexy. Ang totoo, mas lalo ko siyang minahal dahil sa ipinakita niyang pagmamalasakit sa anak ko. Kung tutuusin, magkahawig sila ni Lexy kaya malaya kong iniimagine na sana si Patricia ang ina ni Lexy.

"Anong nangyari?" nagmadaling dumating si Allison kasama ang asawa niyang si Zach.

"S-si Lexy," hindi napigilan ni Patriciang umiyak.

"W-what happened to Lexy," natarantang tanong ni Sandra na ngayon ay kakarating lang kasama ang pinsang si Steve at ang asawang si Xander. Sasagutin na sana namin siya pero biglang dumating ang doktor.

"Mrs. Cordoval," lumapit ang doktor kay Patricia.

"Ako ang ina doc," pumagitna si Sandra sa kanila, "ako ang kausapin mo."

Tumingin ang doktor kay Sandra saka tinapunan ng nagtatanong na mata si Patricia.

"She is the biological and legal mother," saad ni Patricia.

"I see," humarap ang doctor kay Sandra, "her seizures are getting worst, her heart might not be able to survive the next."

Napatakip ng bibig si Sandra para pigilan ang pag-iyak ngunit nilapitan siya ng kanyang asawa kaya kumawala ang isang masakit na hagulhol.

"Wala pa ba kayong nakitang donor?" naiiyak pero pilit maging matatag na tanong ni Partrica.

Napansin kong nagkatinginan ang magpinsan kaya nagsalita ako, "Wala bang nagmatch kahit isa sa inyo?"

Nakita kong umiling si Allison kaya nabaling ang tingin ko kay Sandra.

"Hindi nagmatch si Lexy sa kahit sino sa amin," mahinang saad ni Steve.

"What?" bahagyang tumaas ang boses ng asawa ko, "Kung hindi nagmatch kay Stuart ang bata, dapat nagmatch ito kay Sandra o kahit isa sa atin."

Napalingon naman ako sa asawa ko nang marinig ko ang sinabi niya, "Nagpatest ka?"

Napansin kong kinabahan siya sa tanong ko kaya pinihit ko siya at pinaharap sa akin, "Patricia, you could have risked our own baby."

"Pero buhay naman ng anak mo ang pwedi kong maisalba kung sakaling nagmatch ako," saad niya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagmamalaki sa kabutihan ng asawa ko pero hindi ko rin mapigilang mainis sa desisyon niya. Masama man isipin pero mas gusto kong mabuhay ang anak namin ni Patricia kaysa isakripisyo niya ito para kay Lexy.

Ayokong pagmulan ito ng away kaya pinili ko na lang na yakapin siya.

"Sandali," kumalas siya sa yakap ko at masinop na hinarap ang mga pinsan, "paano nangyaring hindi nagmatch kay Stuart at kay Sandra si Lexy?"

Nakita kong bumuntong hininga si Steve saka nagsalita, "She went through sexual sorbet that time."

"Ano?" sabay kaming napataning ni Patricia, "you mean hindi ka sigurado na ako ang ama ni Lexy?" hindi ko napigilan ang galit na nararamdaman ko.

"I-I'm sorry," mas lalong umiyak si Sandra, "I felt so hopeless hindi ko alam kung kanino ko kukunin ang bone marrow na magmamatch kay Lexy."

"You almost break my marriage apart and all you can say is sorry?!" napakuyom kong sabi.

"Stuart," pinigilan ako ni Patricia.

Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit kahit konting luksong dugo ay hindi ko naramdaman kay Lexy. Sumikip ang dibdib ko dahil sa galit kaya huminga ako ng malalim, ipinikit ang mga mata ang pinakiramdaman ang yakap ng aking asawa. She's indeed my stress antidote. Kahit sa simpleng yakap niyang iyon, napakalma niya ako.

______________________

AN: Sinong nakakaalam kung ano ang Sexual Sorbet? Hahaha— join our FB group para mabasa niyo ang ang ibig sabihin nito. Ilalagay ko ito sa pinned post.

Nararamdaman niyo na ba ang katapusan ng kwentong 'to? Hahaha — salamat sa supporta niyo pero sana po supportahan niyo rin ako sa iba kong mga kwento:

THE WOMAN HE BROKE - Ang magulong love story nina Mago at Arlene

MY ON-CAM WIFE - Ang cute na love story nina Kaz at Viv

WHEN THE FOOLISH HEART BEATS - Ang simula ng lahat-ang story nina Janine at Marco (Book 1 is completed while on-going ang book 2)

Your VOTES, COMMENTS, ADDING TO YOUR READING LISTS and SHARING THE STORIES will really mean a lot... tulungan niyo po akong ibalik ang rating ng STMEH. Thankies

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Adonis FB Group — https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

Oo nga pala, here are the FB profiles of Kaz, Patricia at Stuart... Kulang sa pansin ngayon si Kaz dahil heart broken... kailangan niya ng comfort kaya sana magpost kayo sa wall niya ng comforting words... Oh di kaya, convince him to like Viv. Thankies!

Kaz Legaspi FB profile — https://www.facebook.com/kazlegaspi.kazers?fref=ts

Patricia Sandoval FB profile —- https://www.facebook.com/profile.php?id=100009245989313

Stuart Cordoval FB profile —- https://www.facebook.com/stuart.cordoval?fref=ts

CREDITS: Allison Sandoval is from SeanZie-Watty's "His Way of Revenge" and Steve Sandoval is from Skylierreyes' "A Kontrabida Fairy Tale."|

NOT EDITED

NOT REVIEWED

Sorry po sa mga errors... (constructive criticism will be very much appreciated)

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon