Chapter 51 - Back to Work

474K 7.1K 484
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Adonis FB Group ----  https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Patricia’s POV*

 Naghahanda ako ngayon dahil magtatrabaho ako ulit sa kompanya ni Stuart.  Hindi ko alam kung tama ba ang pinasok ko pero sana makayanan ko.  Kasalukuyan kong inaayos ang buhok nang may marining akong mahinang katok sa pinto.

Pasok,” saad ko.

Nakita ko sa repleksyon ng salamin si Viv na pumasok ng silid.

Ate, aalis ka na talaga?” malungkot niyang tanong.

Ayoko sana, Viv, kaso may pinirmahan akong kontrata saka mas mabuti na yung wala ako dito para makapag-isip din si Kaz,” sagot ko.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya saka umupo sa kama, ”paano ka? Paano kung biglang bumalik nanaman yung pinsan mo?

”Haharapin ko na sila.  Wala naman akong mapapala kung lagi na lang akong tatakbo, di ba?” hinarap ko siya, ”siguro, mas mapapadali ko ring turuan ang puso ko na hindi na mahalin si Stuart.  Gagamitin ko ang sakit na nararamdaman ko para tuluyan na akong makapag-move on.”

Oo nga pala ate, may natanggap ka nanamang package sa baba,” pagputol niya sa pag-eemote ko, ”kilala mo na ba kung sino ang nagpapadala?

Wala pa nga eh,” sagot ko habang kinuha ang bag ko, ”pero malapit ko nang mabuo ang message nito.”

Sandali pa kaming nag-usap ni Vivienne bago ako bumaba. Ang totoo, nawawalan na ako ng kumpyansa sa pag-ibig na kahit yung nagpapadala ng mga regalong may kasamang secret message ay hindi ko na gustong paniwalaan. 

Good morning, Miss Pat,” bati sa akin ng bagong sekretarya ni Stuart, ”kanina pa po kayo hinihintay ni Sir,” saad nito at pinagbuksan ako ng pinto.

Love,” nakita ko siyang tumayo para lapitan ako.

Diyan ka lang,” mariing saad ko, ”ang unang kondisyon ko ay yung hindi ka masyadong malapit sa akin.

If that will make you stay, gagawin ko,” sagot niya.

At isa pa yan,” nag-crossed arms ako, ”Magtatrabaho ako dito kaya pag-oras ng trabaho, hindi ka pwedeng lumandi sa akin.”

And lastly, I demand a break.  Ibig sabihin, hindi sa lahat ng oras ay dapat mo akong kasama. Kung nagkakaintindihan na tayo, pwede na akong magsimula ngayon,” saad ko.

Everything’s clear,” narinig ko siya, “but I already have a secretary so you’ll do your usual works beside being secretary,” hindi ko alam kung bakit para akong nagseselos.  Pagiging secretary lang naman ang hindi ko gagawin pero bakit feeling ko ka-kompetensiya ko ang bagong sekretarya niya.

Palalagyan kita ng mesa dito sa loob but in the meantime, sa sofa ka na lang muna umupo,” saad niya saka tumalikod para bumalik sa swivel chair niya. 

Natapos ang dalawang oras na puro lang negosyo ang inatupag namin. At dahil break time, naisipan kong pumunta sa Blue Plate.  Nakakamiss kasing magbake ng cakes.  Nung naka-order na ako ay agad akong pumwesto sa bakanteng mesa malapit sa glass window.  

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon