Chapter 27 - The Contract

561K 9.1K 675
                                    

*Stuart’s POV*

Gulilat akong nakatayo sa loob ng elevator habang hinihintay ang pagdating nito sa floor kung saan matatagpuan ang opisina ko.  Sinadya kong magpa-late ngayon dahil gusto kong makita siya sa pagpasok ko sa opisina. 

Goodmorning S – s –” tangka niyang pagbati sa akin pero hindi niya maituloy ang pangalawang salita. Alam kong aware siya sa mangyayari kung ”Sir” ang itatawag niya sa akin pero hindi rin naman niya ako pwedeng tawaging ”Stuart” dito dahil ako ang amo niya dito.

”Stuart,” narinig kong binulong niya ang pangalan ko.

Hmm?” huminto ako at nagkunwaring hindi narinig ang pangalan ko.

A-ahm, g-goodmorning S –“ hindi naman niya natuloy dahil dumating ang taga-HR.

Goodmorning Ma’am,” agad niya itong binati.

Hindi mo pa ako binati Miss Sandoval,” sabi ko sabay taas ng isang kilay.

Huh? Ah-eh, ano,” napayuko siya, “Goodmorning po, S – sir,” napabuntong hininga siya.

Goodmorning din sa’yo,” nagsmirk ako dahil tagumpay ako – ibig sabihin, may isang halik nanaman ako sa kanya,  “Pinapunta ko na dito ang HR para mapirmahan mo ang kontrata mo kaya pumasok ka na rin sa loob,” nagkunwari akong balewala sa akin na natawag niya akong “Sir.”

Iwan mo na dito ang kontrata, ako na ang bahalang magpaliwanag ng laman nito at ako na rin ang magpapapirma sa kanya,” saad ko sa taga-HR nang makapasok na kami sa opisina.

Agad itong sumunod sa utos ko kaya inilapag nito ang folder na naglalaman ng contract saka agad umalis ng opisina. Halata namang hindi mapakali si Patricia habang nakatayo ito sa harap ng office table ko.  Was she anticipating for my kiss? Kung excited siyang mahalikan ko, mas excited akong gawin yun.  This will be my best way to start my day.

Lumapit na ako sa kanya at walang alintanang hinalikan ang mga matamis niyang labi. Hindi siya tumutol pero naramdaman ko ang pagpatong niya ng kamay niya sa dibdib ko.  Hinawakan ko ang kamay niya saka ipinatong sa balikat ko habang hinapit naman ng isa kong kamay ang beywang niya upang mas magkalapit ang aming mga katawan.

Hindi ko pinatagal ang halikan namin kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at angkinin siya dito.  If I am going to take her again, gusto ko espesyal yun dahil gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.

Pinagdikit ko ang mga noo namin habang marahang pinagdampi ang mga ilong namin, ”Pwedi bang ako na lang ulit?

Huh?” bahagyang umatras ang ulo niya pero pinigilan kong hindi siya makalayo, ”S-stuart, naiilang na ako sa posisyon natin,” reklamo niya.

Ngumisi ako sa kanya saka naglakad ng paatras.  Kinuha ko ang folder at ibinigay sa kanya, ”basahin mo muna ang kontrata bago mo ito pirmahan.  Kung may katanungan ka, itanong mo lang at sasagutin ko.”

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon