Chapter 11 - Her Dirty Little Secret

704K 11.8K 1.3K
                                    

*Stuart's POV*

Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pinilit ko ang sarili kong magfocus sa mga contratang binabasa ko pero kahit anong gawin ko ay talagang wala akong maintindihan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako dating ganito, ah.

Napasandal ako sa aking swivel chair at inikot ito para humarap sa glass window ng opisina ko. Kitang-kita dito ang kabuuan ng Makati at mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang Blue Plate. Bigla ko na lang naisip yung nangyari kanina. Si Kaz kaya ang kasama niya ngayong gabi? Napailing na lang ako sa isipang sineryoso talaga ni Kaz ang kasunduan namin.

Ilang minuto akong ganito hanggang naisipan kong umuwi na lang. Mabilis kong narating ang basement at pinaandar ang aking sasakyan. Palabas na ako ng building nang makita ko si Patricia na palabas na rin sa Blue Plate. Hindi ko alam kung bakit naging masinop ako sa kung anu-ano ang plano ni Kaz kaya naisipan kong sundan si Patricia.

Mas dumami ang tanong ko sa isip nang hindi sasakyan ni Kaz ang sumundo kay Patricia. Tinted ang sasakyang ito kaya hindi ko maaninag kung sino ang sumundo sa kanya. Ayoko sana siyang sundan pero may bahagi sa akin nagsasabing sundan ko siya. Narating nila ang isang magarang hotel at mas nagulat ako nang lumabas si Patricia na bihis na bihis na.

Seksi – yes. Maganda – hindi maipagkakaila. Ito ang Patriciang kilala ko – alluring and confident.

Teka? Hindi naman ito ang suot niya kanina, ah. She is wearing a red skimpy tube dress and a pair of black heels. Nakalugay lang din ang buhok niya but she is now wearing make-up.

Dahil sa sobrang curiousity, bumaba ako ng sasakyan. Nakita kong sinalubong siya ng dalawang lalaki na parang bouncers ang dating at sinamahan siya papasok sa hotel. Ano ba ang nangyayari?

Nang mapagtanto kong ipapasok na siya ng isang silid ay madali ko siyang  tinawag na siya namang pagharang ng dalawang lalaking parang bouncers na kasama niya.

"Ito ba ang dahilan kaya tinanggihan mo ang alok kong dinner?" hindi ko alam kung bakit may galit sa tinig ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako pero hindi siya kumibo. Agad siyang hinawakan ng isa pang parang bouncer at pinasok sa kwarto habang hinaharangan pa rin ako ng dalawang kaharap ko kanina.

"Padaanin niyo ako!" galit na utos ko sa kanila.

"Pasensiya na po, Sir, pero naka-book na po si Trixie ngayong gabi," saad nung isa.

'Book? Trixie?' naguguluhang tanong ko sa sarili. Agad ko namang nabasa ang nakasulat sa uniporme nila. Gracieux Performing Company –naalala ko ang VIP card na bigay ni daddy sa akin. Hindi ko akalaing magagamit ko talaga 'to. Kinuha ko 'to agad at ipinakita sa kanila.

"Gold VIP card," bulong ng isang bouncer sa kasama, "Pasensiya na po, Sir," paumanhin kaagad niya sa akin, "Hindi po namin alam pero kung gusto niyo pong ma-i-book si Trixie, kausapin niyo na lang po ang manager namin."

"Dalhin niyo agad ako sa kaniya!" galit na saad ko.

"Dito po tayo, Sir," sabi nung isa sabay turo sa daan habang napalingon naman ako nang lumabas yung isang bouncer sa silid kung saan niya iniwan sa loob si Patricia.

'Patricia,' nagalalang bulong ko sa sarili, 'ano ba tong pinasok mo?'

______________________________

"Madamme, may gusto sanang i-book si Trixie. Gold VIP Card po ang dala niya," saad nung isa nang makaharap ko na ang isang matandang bakla.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon