What happened Then (Flashback) 5: Till The Love Runs Out

483K 8.2K 756
                                    

"Your pain is the breaking of the shell that encloses your understanding."

                                                                - Khalil Gibran

*Patricia's POV*

Namamaga pa ang mga mata ko dahil sa kaiiyak nang dumating siya bandang alas tres ng hapon kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong salubungin siya ng sampal.

"Napaka-sama mo! Hindi mo man lang ako nirespeto bilang asawa mo," gigil na gigil kung sumbat sa kanya.

Pero ininda niya ang sampal ko at nagpatuloy lang siya sa paglakad papunta sa banyo.

"Ano? Wala ka bang sasabihin?" sinundan ko siya, "Magsalita ka!" pinigilan ko siya sa paglakad at pilit na iniharap sa akin. Tinitigan niya ako pero hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa kanyang mga titig dahil nararamdaman ko ang galit, lungkot at panghihinayang doon.

Galit ba siya dahil ikinasal kami? Nalungkot ba siya dahil ako ang nasa harap niya ngayon? Nanghihinayang ba siya dahil iba sana ang gusto niyang pakasalan?

Pero ako ang nandito. Ako na ang asawa niya. Binigyan niya ako ng pagkakataong makasama siya bilang asawa, kahit isang taon lang. Sana naman, kahit sa isang taon din ay maramdaman ko rin na asawa niya talaga ako pero mukhang malabo yung mangyari dahil sa banghayan namin.

"Pwedi ba? Pagod ako at ayokong makipagtalo sa'yo!" pilit niyang kinakalas ang pagkahawak ko sa kanyang siko.

"Bakit ka pagod? Saan ka ba nanggaling?" naluluha akong nagtanong pero may galit pa rin sa boses ko.

He heaved a sigh and faced me, "gusto mo malaman ang totoo? Ang totoo niyan ay ayokong may mangyari sa atin kagabi kaya lumabas ako para iwasan ka!"

"Saan ka nagpunta? Siguro may iba kang kasama kagabi!" feel na feel ko ang pagiging asawang nagseselos dahil sa pagtatanong ko.

"Huwag ka nang magtanong dahil hindi mo magugustohan ang isasagot ko!" galit siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglakad papuntang banyo kaya agad ko siyang hinarangan.

"Sabihin mo sa akin ang totoo! Kasama mo ba ang babaeng sinasabi mong gusto mong pakasalan?"

"Ang kulit mo," ligamgam niyang sagot saka napasuklay ng kanyang buhok gamit ang kanang kamay.

"Buong gabi kitang hinintay, Stuart. Buong gabi at higit sa kalahating araw kitang hinintay! Hindi ko alam kung paano ka hahanapin dahil hindi mo naman dinala yung cellphone mo. Nasasaktan din ako dahil unang gabi natin pero hindi kita kasama," pagsusumamo ko.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at pinagsisihan ko ang mga sinabi ko nang inimulat niya ang mga ito dahil hindi awa ang nakikita ko pero galit, hindi pagmamahal pero kasuklaman, "Huwag kang umasa na mamahalin kita, Patricia," yun lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay pinatay na niya ako.

Marahan niya akong itinulak sa gilid upang makadaan siya papuntang banyo pero hindi ko kinaya ang sakit kaya niyakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng lakas kaya humuhugot ako ng lakas galing sa kanya. Pilit niyang kinalas ang pagkayakap ko sa kanya kaya mas hinigpitan ko iyon. Babae ako at alam kong mahina ako pero gusto ko pa ring lumaban. Gusto kong ipadama sa kanya na kahit mahina ako, kaya kong patunayan sa kanya na mahal na mahal ko siya – pero nabigo ako dahil nagtagumpay siya sa pag-alis ng mga braso kong nakapulupot sa kanyang baywang.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon