Chapter 53 - Take It Slow

499K 7.3K 437
                                    


Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Adonis FB Group ——  https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Patricia's POV*

Gising na ako pero ayoko pang imulat ang aking mga mata.  Nalilito pa ako sa mga kaganapan.  Bakit asawa ko pa rin si Stuart?  Ano ba ang nangyari?

"How did you do it, Dad?" narinig ko ang tanong ni Stuart.

"Hindi yun sa kung ano ang ginawa ko kundi sa kung ano ang hindi mo nagawa," kahit nakapikit ako, alam kong nakangising nagsalita ang ama ni Stuart.

"Ano ang hindi ko ginawa?" hindi inis ang narinig ko sa boses niya kundi may konting gikgik na para bang naaliw siya sa kabaliwang nangyari sa amin.

"Did you process the divorce papers? Di ba, binigay mo lang ang papeles sa sekretarya mo pero hindi mo sinabing i-file ito?" narinig ko ang sagot ni Mr. Cordoval, "nagtanong sa akin ang sekretarya mo dahil bigla ka na lang umalis ng bansa."

Narinig ko ang pagtawa ni Stuart, "Hindi yan katangahan, Dad," naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama, malapit sa ulohan ko, "that is what I call destiny," naging paos ang boses niya saka ko naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa noo ko, "welcome home, wife."

'Home? ' napadilat ako ng mata ng marinig ko kung saan niya ako dinala.  Akala ko sa ospital ang bagsak ko matapos akong hinimatay kanina, bakit sa bahay niya ako inuwi?

"Anong ginagawa ko dito?" napabangon ako pero ang totoo, hindi magkaundagaga ang puso ko sa nararamdaman ko ngayon.  Parang puno ng hangin ang puso ko, hindi ito masakit pero para itong sasabog — tama bang sabihin na umaapaw ito sa kaligayahan?

Dahil sa kakaibang nararamdaman ko, ninais kong tumayo pero bigla ulit akong nahilo, "Easy, Love," naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga kamay sa braso't baywang ko.  Parang gusto ko yatang magkunwaring hinimatay, gusto kong maramdaman kung paano niya ako kinarga nung natumba ako sa dance floor kanina.

"I-I need to go home," yun na lang ang nasabi ko.

"You're home, Love," agad niyang sagot.

"I think I should go," pagpapaalam naman ni Mr. Cordoval — Daddy na rin baa ng tawag ko ulit sa kanya?

"Stuart, kailangan kong mag-isip," pagkawalang sabi ko sa kanya.

"Ano pa ba ang iisipin mo?" naramdaman ko ang pinaghalong lungkot at galit sa tinig niya, "hindi mo ba narinig? You are still my wife."

"Hindi naman madaling tanggapin ang lahat, Stuart," naiiyak nanaman ako, "ilang taon ko ring ininda ang sakit na ginawa mo."

"Then let me undo the pains, " lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pagsikip ng aking dibdib.  Para itong puno, umaapaw pero hindi masakit.  Hindi ako sanay sa nararamdaman kaya para akong nahihilo.

"Isang araw lang," saad ko, "kailangan ko lang lumayo kahit isang araw lang."

"I've given you enough space, Love," mariin pero garalgal ang boses siyang nagsalita.

"Isang araw lang, Stuart," nagmakaawa akong tumingin sa mga mata niya — those eyes, "please?"

"No," ma-awtoridad niyang sabi, "Hindi na ako papayag na malayo ka pa sa akin.  Dito ka lang sa tabi ko."

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon