*Patricia's POV*
Bumagsak ang katawan niya sa akin at kapwa kaming hinihingal. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan and I got used to it kaya ganoon na lang ang pagkataranta ko ng tumayo siya at pumasok sa banyo.
Tumagilid ako at inilukot ang katawan hindi dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagitan ng hita ko kundi sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Akala ko magiging masaya ako. Akala ko maramdaman ko lang na mahal niya ako kahit ilang saglit lang, kahit pilit lang, kahit nagpanggap lang siya – ay magiging okay na ako. Hindi pala – nawalan ako at wala akong natanggap na kapalit.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Inaamin kong mahina ako pero ito na ang huling beses na iiyak ako. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong kinarga – bridal carry style.
Napatingin ako sa kanya pero hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isipan niya. Naghalo ang saya at kalungkutan na nararamdaman ko. Masaya dahil mahigit isang taon ko na itong ipinangarap – ang kargahin niya ako sa ganitong paraan. Malungkot dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito ay dapat ko nang tuparin ang napagkasunduan namin.
Wala siyang imik na dinala ako sa banyo at dahan-dahang inilagay sa tub na may maligamgam na tubig.
"I hope this will make you feel better," he whispered. Doon ko napagtanto na pumasok siya sa banyo kanina hindi dahil nandidiri siya sa akin kundi para ipaghanda ako ng mainit na tubig sa tub.
Pumwesto siya sa likod ko at tahimik lang kaming nagbabad sa tubig. Nakapulopot ang kamay niya sa katawan ko habang nakahilig naman ang ulo niya sa gilid ng ulo ko. I savored the moment kasi alam kong ito ang una at huli. Hindi na rin ako nagsalita kasi ayokong masira ang moment na iyun.
Ilang sandali kaming nasa ganitong posisyon nang maramdaman kong nagsimula nanamang kumilos ang kamay niya sabay ng paghalik niya sa balikat at leeg ko. Napaungol ako nang marahan niyang kinagat ang tenga ko at sinabing, "Balik na tayo sa labas.I don't want to take you here."
Ilang beses pa kaming nakaabot ng langit hanggat naramdaman na namin ang pagod. Magkaharap kaming nakahiga sa kama habang nakayakap siya sa akin. Ilang sandali ko siyang pinakiramdaman. Kahit pagod ay hindi ako natulog. Ayokong tulugan lang ang una at huling gabing naging asawa niya ako. Nang maramdaman kong pumapantay na ang paghinga niya, dahan-dahan akong humiwalay sa kanya.
Tinitigan ko ang kanyang mukha. Ayokong makalimutan ang taong minahal ko ng buong buo.
'Stuart,' bulong ko sa sarili ko, 'salamat at paalam.'
Tumulo muli ang luha ko pero hindi na ako magiging duwag. Tanggap ko na ang aking pagkatalo. Masuwerte ang kung sino mang babaeng mahal ni Stuart. Hindi ko man siya nakilala, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil pinahiram niya sa akin si Stuart. Sana mahalin siya ng babaeng iyun, higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.
Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang damit kong nakalapag sa sahig. Ito ang damit na sinuot ko noong anniversary namin, ang araw na pinaramdam niya sa akin na kahit kalian ay wala akong puwang sa puso niya. Kinuha ko ang divorce papers na napirmahan ko na at inilapag yun sa side table.
Sandali kong tinitigan ang lalakeng tumangay ng puso ko. Matagal na panahon pa siguro ang hihintayin ko upang matagpuan ko muli ang puso ko. Pero nagpasalamat pa rin ako na kahit isang gabi lang, naramdaman kong mahal niya ako – kahit sabihin pang pagpapanggap lang ang lahat.
'Malaya ka na, Stuart. Sana maging masaya ka,' bulong ko saka hinalikan siya sa huling pagkakataon doon sa kanyang mga labi.
*Stuart's POV*
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay buong buo ang pagkatao ko sa paggising ko. Iginapang ko ang kamay sa kama pero nagulantang ako nang mapansin ko na wala na akong kasama. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan, sa katunayan ay mas mabigat pa ang naramdaman ko ngayon kaysa noong una akong naiwang mag-isa sa kama. Pakiramdam ko, malaking bahagi ng buhay ko ang nawala.
BINABASA MO ANG
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
RomanceSeven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at...