Chapter 57 - Love and Other Drugs

549K 7.4K 286
                                    


*Stuart's POV*

Tahimik kaming nakapalibot sa higaan ni Lexy. Lahat naguguluhan, lahat nag-alala, lahat iisa ang hangarin - ang makahanap ng bone marrow donor na magmamatch sa batang nakikipaglaban sa kamatayan.

"I would spend everything I have just to save Lexy," basag ni Xander sa katahimikan habang pinapagaan ang pakiramdam ni Sandra.

"I wouldn't mind if I do too," saad naman ni Steve.

"Even if she's not mine," saad ko, "para na rin siyang naging anak namin ni Patricia kaya I am also willing to spend millions just to find her a donor."

"So ano pa ang hinihintay natin?" sambit ni Zack, "magbibigay din ako para makahanap ng donor kaya dapat na tayong kumilos."

"How the hell are we going to do that? May mga bagay na hindi nabibili ng pera," inis na saad ni Steve.

"Don't get me wrong , Steve," saad ni Zack, "pero mukhang nakalimutan mo na dito sa Pilipinas, kailangan mong gamitin ang pera para makuha mo ang gusto mo."

Lahat kami nabaling ang atensiyon sa sinabi ni Zack kaya agad nitong pinagpatuloy ang punto niya, "Kung magbibigay tayo ng pabuya sa kung sino man ang magiging donor ni Lexy, sigurado akong hindi natin kailangang maghanap pa dahil ang donor na mismo ang kusang lalapit sa atin."

"Yeah, right. Let's do that," sumang-ayun si Xander.

"Ako na ang bahala kumausap sa ospital para sa mga lab tests na gagawin," agad ko namang sinabi. Pagmamay-ari kasi ng pamilya nina Marco ang ospital na ito kaya natitiyak kong mabibigyan kami ng special arrangement.

Agad namang kumilos ang bawat isa sa amin. Ginamit ni Steve ang impluwensiya niya sa media para maiparating sa lahat ang tungkol sa paghahanap namin ng donor para kay Lexy. Ako naman, kinausap ko si Mark, ang kapatid ni Marco, para mabigyan kami ng exclusive laboratory staff and equipment para sa mga series of lab testing ng lahat na posibleng magiging bone marrow donor ni Lexy.

"Love, wala nang grapes si Lexy," bulong sa akin ng asawa ko, "alis muna ako para bumili."

"Samahan na kita," tumayo na rin ako para samahan siya.

"Ano ka ba, Love," gikgik ng asawa ko na nagpabilis naman ng tibok ng puso ko. Her giggle always has a special effect on me, "malapit lang ang grocery store, hindi mo na ako kailangang ipagdrive."

"Maglalakad ka lang?" saad ko, "eh di mas lalo kitang dapat samahan."

Napansin ko ang pagbuntong hininga niya saka sinabi, "ikaw bahala."

Alam kong nagiging OA na ako lately. Nakakatawa nga kasi hindi ko lang marinig ang boses niya, naprapraning na ako. Eto kasing asawa ko, magtatatlong buwan nang buntis pero sexy at appealing pa rin. Hindi ko mapigilan ang halikan siya sa harap ng maraming tao dahil gusto kong malaman ng lahat na akin siya.

Lalaki ako at alam na alam ko ang mga ibig sabihin ng mga tingin ng mga lalaki sa asawa ko kaya kahit isipin man nilang possessive, obsessed at overprotectective ako sa asawa ko, wala akong pakialam dahil sinisiguro ko lang na akin lang siya.

"It's not your fault that they hover. I mean no disrespect. It's my right to be hellish. I still get jealous. Cause you're too sexy, beautiful and everybody wants to taste that's why. I still get jealous," sadyang mapanukso ang tadhana dahil habang nakapila kami sa counter, tumugtog naman ang kanta ni Nick Jonas na 'Jealous.' As if on cue, ipinulupot ko ang aking kamay sa baywang ng maganda kong asawa habang palabas kami ng grocery store.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon