*Patricia’s POV*
Nagulat ako sa aking paggising dahil sa nakita kong long-stemmed white rose na nakalapag sa unan, malapit sa mukha ko. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang bulaklak. May kasama itong note pero hindi ito katulad nung mga natanggap ko kahapon. Wala itong watermark at walang numerong nakalagay sa itaas. Isa itong puting notecard na nagsasabing: I am sorry for ruining your Valentine’s day. Let me make it up to you.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong cottage. Wala si Rea, saan kaya yun? Hindi ko na kasi siya nahintay kagabi dahil nakatulog ako sa kaiiyak. Tumingin ako sa orasan at nalamang alas diyes na pala ng umaga. Ang tagal ko palang gumising, siguro nakakain na ang iba ng breakfast. Lumabas ako pero napansin ko ang hindi karaniwang katahimikan sa paligid kaya naisipan kong maglakad-lakad muna.
”Good morning po, Ma’am” nakasalubong ko ang isang empleyado ng resort.
”Good morning, pwede bang malaman kung saan nagpunta ang mga kasamahan ko?” tanong ko sa kanya.
”Naku maaga pong nag-mountain trekking,” agad niyang sagot, ”May breakfast pong nakahanda para sa inyo sa restobar, Ma’am. Kain muna daw po kayo bago sumunod sa kanila.”
Ano raw? Lokong Stuart ’to ah! Maypa-let-me-make-it-up-to-you pa pero iniwan naman pala ako. Gustong gusto ko pa namang sumama sa mountain trekking. Gusto ko kasing makita ang karagatan mula sa mataas na bahagi ng islang ito.
Bagsak balikat akong tumungo sa restobar. Ano ba ang gusto ni Stuart? Mag-isa akong susunod sa kanila? Aist! Napaka-ungentleman talaga!
Natigilan ako nang marating ko ang mesang pinaghandaan ng breakfast ko. May tatlong heart shape pancakes with butter and maple syrup na nakalagay sa pinggan. May nakahanda ring pineapple juice pero ang nakatawag ng pansin ko ay ang isa nanamang puting rosas na nakalapag sa gilin ng pinggan. Puting rosas na naman? Sana nagresearch siya tungkol sa ibig sabihin ng mga kulay ng rosas para malaman niya kung gaano niya ako ngayon pinapaasa. May kasama nanaman itong notecard na ang nakasulat ay, ‘I hope you like the breakfast. I’ll see you soon.’
Ayokong mag-assume na espesyal niyang pinahanda ang breakfast na ‘to para sa akin kaya kumain na lang ako. Nagmadali ako sa pagkain dahil kailangan ko pang sumunod sa kanila. Baka malayo na rin ang naabot nila, ibig sabihin, malayo rin ang lalakarin kong mag-isa. Agad akong gumayak pagkatapos kong kumain. I don’t want to miss the fun kaya dapat maabotan ko sila kaagad.
“Paano ko ba sila masusundan?” tanong ko sa empleyadong kausap ko kanina.
”May trail na po ma’am at saka sabi ni sir maglalagay daw siya ng mga palatandaan sa mga puno kaya madali niyo lang po silang masundan,” nakangisi niyang sagot habang iniabot naman niya sa akin ang tubig na maiinom ko.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na tinungo ang sinasabi nilang entrance ng trail. Na-miss ko talaga ito. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapag-mountain trekking. Ang dami na kasing nangyari sa buhay ko at ang mga ganitong bagay ay hindi ko na halos mabigyan ng panahon.
Naglakad ako ng ilang metro hanggang may napuna akong white flaglet sa isang puno. Sa ibaba nito ay may nakasulat na arrow at ang mga salitang: This way to heaven.
Natawa ako sa mga katagang iyon. Ano kaya ang naiisip ng mga kasama ko nang mabasa ang note na yun. Marami kasi sa kanila ay mga green minded. Sigurado akong ina-asar nanaman nila si Rea. Sinundan ko ang arrow at matapos ang ilang metro ay may isang flaglet nanaman akong nakita. Meron uli itong arrow at ang katagang: Hurry up, your prince is waiting.
BINABASA MO ANG
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
RomanceSeven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at...