Chapter 40 - The Stuart Way 2

544K 8.4K 608
                                    

*Stuart’s POV*

Excited. Masaya. Natatakot.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon habang katabi ko ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko. Napangiti na lang ako nang maalala ko kung ano ang pinaggagawa ko maparamdam ko lang kay Patricia ang pag-ibig ko.

*flashback*

Pare, alam kong mahal mo si Patricia,” seryoso kong saad, ”pero alam mong mahal pa niya ako. Mahal ko siya, Pare. Ibalato mo na ito sa akin.  Hindi para sa akin, pero para kay Patricia,” saad ko sa kanya.  Desidido na talaga akong magtapat ng pag-ibig ko kay Patricia pero ayoko namang unsyami nanaman ang mga plano ko dahil sa pagpasok niya sa eksena.

Nakita kong bumuntong hinga siya, ”Papayag ako sa isang kondisyon,” malungkot na saad niya sa akin, ”Huwag mong hayaang masaktan siya muli. Pagbibigyan kita hindi lang dahil mahal ko si Patricia kundi dahil pinahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. Ako na ang nagsusumamo sayo, Stuart, ingatan mo si Patricia dahil ikaw tanggap ko na rin na ikaw ang kaligayahan niya.

Salamat, Kaz” masayang pasasalamat ko sa kanya.

Bibigay ka na talaga?” pangungulit ni Mago.

Paulit-ulit lang pre?” natatawang sambit ko sa kanya, ”pagbigyan mo na kasi si Arlene.  Huwag kang tumulad sa akin, Pre. Huwag mong hayaang masyadong masaktan si Arlene para siya na ang sumuko.”

Aist! Huwag na nga natin yan pag-usapan,” inirapan niya ako, ”Isipin mo na lang kung paano ka magpapakorny sa panliligaw mo.

Haha! Nagmamadali ba? Balita ko dalawang lingo na kayong nag-live in ni Arlene,” pang-aasar ni Marco.

Wow pre! Bumigay ka na pala,” inasar ko na rin siya.

Tama na nga!” napakamot siya sa ulo, ”Paano ako hindi bibigay eh nanalo na siya.”

Pero gusto mo naman ang nangyayari,” natatawang sambit ni Marco.

Maiba na nga ang usapan,” ipinatong ni Mago ang kanyang siko sa mesa saka pinagsaklob ang mga kamay, ”kumusta kayo ng fiance mo? Balita ko sumikat daw love team niyo at dumarami daw ang mga offer na projects.

Oo nga pala, Kaz, hanggang kalian kayo magpapanggap na fiancé mo si Viv?” tanong ko.

Alam mo?” nagulat siya.

Para na tayong magkapatid, Kaz.  Kilala kita kapag nagpapanggap ka,” sagot ko.

Bulahin mo lelang mo,” pambabara ng pinsan kong si Libra, ”ang sabihin mo, nagsumbong ang manager nitong parang bakla.

Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin kay Roger?” natatawang sambit ni Kaz, ”magbalikan kaya kayo.”

Never!” padabog na sabi ni Libra, ”hinding-hindi ako makikipagbalikan sa baklang yun!

Alam mo Libra, love is sweeter the second time,” pang-aasar ni Marco.

But never with him, Marco,”sagot agad ni Libra.

Sa totoo lang, nararamdaman ko pa rin ang tensyon ng dalawa hanggang ngayon.  Hindi ko man alam ang dahilan ng kanilang hiwalayan, nararamdaman ko naman na mahalaga pa rin sila sa isa’t isa.  Actually, sa kanila ko naiintindihan ang katagang, ”opposite attracts”.  Kung taekwondo ang sports ni Libra; Dancesports naman ang sports ni Roger. Kung happy-go-lucky ang attitude ni Libra, eto naman si Roger ay masyadong organize sa schedule.  Hindi ko nga alam kung bakit sila nagpakasal at naghiwalay.  At kahit dalawang beses nang nakapag-asawa si Libra, ramdam kong apektado pa rin siya sa presensiya ni Roger.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon