*Stuart's POV*
Nakatayo ako sa mini bar ng bahay nina Marco nang marinig kong may dumating. Akala ko si Mago na ang dumating kaya napalingon ako sa entrance ng bahay para kumpirmahin ito pero hindi ko inasahang si Patricia pala ang dumating kaya hindi ko sinasadyang salubungin ang kanyang tingin sa akin. Ilang segundo lang siguro ang tinagal ng tinginang iyon dahil agad siyang umiwas at tumungo sa kitchen ng bahay.
"Wait, am I imaginging things o talagang nakita ko na nauna si Patricia sa pag-iwas ng tingin sa'yo?" pangangantyaw ni Kaz, hindi talaga nagbago ang taong 'to.
"Tsk," yun na lang ang sinagot ko at nagkunwaring uminom ng wine.
"Hahaha! Hanggang ngayon ba ay ganyan ka pa rin kay Patricia? Wala pa ba kayong malinaw na closure?" pabirong tanong ni Kaz.
"Malinaw sa akin ang paghihiwalay namin. Ewan ko sa kanya at hindi pa rin tumitigil sa paghahabol sa akin," pagyayamot kong sagot.
"Hindi pa rin siya tumitigil?" tanong ni Kaz na halatang hindi makapaniwala.
Hindi ko na siya pinansin pero hindi ko naman sinasadyang mapunta sa kusina ang tingin ko. Nakita ko ang magkakaibigan na nag-uusap habang nagtawanan pero napansin kong iba ang tawa ni Patricia. Hindi ko mapaliwanag pero parang naiba ang ngiti niya; hindi ito ang klaseng ngiti na nakikita ko sa kanya dati. Para bang may kulang pero hindi ko naman masabi kung ano ang kulang.
Pinilit kong ibaling sa iba ang tinging ko pero parang nakamagnet ang tingin ko sa kanya. I can't help but notice how different she looked. She was so – Simple – parang hindi siya si Patricia. Patricia was a queen bee, a constant head turner in parties and was always keen about what she wears and how she looks. D*mn! Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi dapat ako nakatingin sa kanya. Hindi ko dapat siya iniisip.
Ilang sandali ay inimbitahan na kaming lahat na pumunta sa garden para sa dinner. Magkasama sila ni Arlene at pumwesto sa isang mesa kung saan kasama nila ang mga kapatid nina Marco at Janine. Hindi ko alam pero nang pumwesto na rin kami sa mesa namin ay pinili ko ang angulo kung saan malaya ko siyang masulyapan. Wala akong gusto sa kanya but I was just so curious about the kind of smile she is wearing. Was it part of her act to catch my attention? I hope not because if it is, it is so d*mn effective!
"Good evening sa inyong lahat, wala po tayong pormal na programa pero may request ang mag-asawa na bawat isa sa inyo dito ay kakanta. Siyempre, kasali pa rin ang mag-asawa pero sa bandang huli sila kakanta. Ang hindi kakanta ay may parusa kaya walang KJ ha. May Magic Sing po dito kaya pwedi na kayong pumili ng kakantahin niyo" narinig kong nagsasalita sa mini-stage si Jannah.
Unang sumabak sa kantahan si Mago at sinundan naman ito ni Arlene. Nakakatawa nga ang dalawa dahil ginamit pa naman ang kanta para maiparating sa isa't isa ang kani-kanilang mensahe. Kinuha ko ang kopita at nilagok ang lamang alak nito habang lihim na sinulyapan muli si Patricia. Hindi ko alam kong bakit parang nadismaya akong makita ang blanko niyang expression habang nakatingin sa harap.
"Ang susunod na kakanta ay walang iba kundi ang sikat na si kuya Kaz," tawag ni Jannah. Hindi ko alam kung gaano na ba kasikat itong kaibigan ko pero narinig ko na mabenta daw ang dalawang nai-release niyang mga albums.
Tumayo si Kaz pero nagulat ako nang hilain niya si Patricia at isinama pa ito sa harap.
"Naiinggit ako kay Mago at Arlene kasi dinidedicate nila ang kanta nila para sa isa't isa pero wala naman akong mapag-alayan ng kanta ko kaya kakanta ako kasama si Patricia para siya na ang pipili ng kanta na i-aalay ko sa kaibigan ko," pilyong pagpapaliwanag ni Kaz.
BINABASA MO ANG
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
RomanceSeven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at...