Chapter 29 - His First Encounter

536K 9.5K 632
                                    

AN: Sa lahat na nagfollow, pasensiya na po kung hindi ko kayo ma-isa-isang mapasalamatan pero nag-follow back na po ako.  Sa lahat na nagmarathon reads at votes pati na rin sa mga nag-add ng STMEH – maraming, maraming salamat – sorry kung hindi ko kayo ma-isa-isa pero sana tanggapin niyo itong UD na ito bilang pasasalamat ko. 

*Stuart’s POV*

Madalim ang silid na pinagpasukan nila sa akin at pinagtulungan nilang itali ako sa silyang kinauupuan ko.

Why are you doing this to me?” inis kong sinabi habang nagpupumiglas.  Bakit nila ako itatali? Anong gagawin nila sa akin?

Pasensiya na po, Sir,” paumanhin nung isang lalaki, “napag-utusan lang po kami.”

Lang’ya! Anong kailangan niyo, pera? Pakawalan niyo ako at ibibgay ko sa inyo kahit anong halaga,” sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkatali ng mga kamay ko. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga lalaking nagtali sa akin saka sinabing,ang mahirap sa inyong mayayaman, dinadala niyo kami sa suhol. Pasensiya na pero hindi kami ang magdedesisyon kung tatanggalin ba o hindi ang tali mo.”

Wala akong magawa nang umalis na sila.  Naiinis ako dahil hindi ito parte ng plano ko.  Akala ko kontrolado ko ang lahat, hindi pala.  Tahimik ang paligid habang hinihintay ko ang taong dahilan kung bakit ako nakatali sa silyang ito hindi ko tuloy maiwasang mainis sa kanya. Oo, kilala ko kung sino ang nagpatali sa akin dito at sisiguraduhin kong pagsisisihan niya na ginawa niya ito sa akin.

Ilang sandali pa akong naghintay saka bumukas ang pinto at bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ko.  Wala pa siyang ginawa pero nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko.  Was I anticipating something? B*llsh*t kung sasabihin kong hindi ako nag-anticipate.  Ilang gabi na akong hindi makatulog dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa gabing ito.  Paparusahan ko siya dahil sa pagpapahirap niya sa akin.

Tahimik siyang pumusok at nakayukong isinarado ang pinto.  Narinig ko pa ang tunog ng pag-lock niya sa pinto tapos naglakad siya patungo sa kabilang gilid ng silid at inilagay ang mga gamit niya.

Anong gagawin niya? Bakit kailangangan nakatali pa ako? Tinuturing kong torture itong ginagawa niya kaya hindi ako papayag hangga’t hindi niya pagbayaran ang ginawa niyang ito.  Wala siyang imik na hinila ang isang silya patungo sa harap ko saka umupo at hinarap ako.

S-stuart?” nagulat siya ng makita na niya ako, ”a-anong ginagawa mo dito?”

Nagsmirk ako ng makita ko ang takot sa kanyang mga mata.  Hindi niya inaasahan ang presensiya ko dahil nagbayad ako ng extra para hindi ipaalam sa kanya kung sino ang bumili sa kanya para maging private entertainer ko ng isang buwan.

Are you just going to sit there?” inasar ko siya, “Technically, I am your costumer and this private show is supposed to entertain me.”

B-bakit?

I didn’t pay you to talk, Patricia,” pilyo akong ngumiti sa kanya, “entertain me.”

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon