Chapter 20 - May the Best Man Win

600K 9.4K 1.3K
                                    

*Patricia's POV*


"Ma'am Patricia, may naghahanap po sa'yo," tawag sa akin ng isang waiter.


Nilingon ko ang sinasabi niyang naghahanap sa akin at nakita ko kaagad si Kaz. Sa sobrang saya ko, napatakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.


"Ganoon mo ako ka-miss?" natatawa niyang sabi.


"Oy, sorry kung hindi ako nakapagpasabi sa'yo na hindi ako makarating kagabi. Na-lowbat kasi ako," paliwanag ko.


"Okay lang yun," sabi niya, "So ano? Lunch tayo?"


"Yun din ang isa ko pang ipagpapaumanhin sa'yo," napayuko ako, "M-may lunch meeting kasi si Stuart at ako ang naatasang mamahala nun."


"Mamahala? Ang ganda naman yata ng tagapamahala niya ng lunch date niya," parang naiinis na sabi ni Kaz habang inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi ko siya masisisi kung lunch date ang tawag niya sa lunch meeting ni Stuart. Romantic kasi ang ambiance at saka pangdalawahan lang ang handa.


"Hayaan mo na babawi na lang ako sa'yo mamayang gabi," naka-pouting lips kong sabi.


"Talaga?" agad namang napalitan ng ngiti ang naiinis niyang mukha kanina, "Pero dahil wala akong makakasamang lunch ngayon, eskimo kiss muna," lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


Matagal at mabagal ang ginawa niyang eskimo kiss. Hindi naman ako tumutol kasi alam kong na-miss niya ako. Hindi ako POTASSIUM pero nararamdaman kong higit pa sa pagkakaibigan ang ginawa niyang eskimo kiss. Sana mali ako dahil ayoko siyang masaktan.


"Susunduin kita mamaya, okay?" sabi niya habang pinagdampi niya ang mga noo namin.


"Oo na," sabi ko habang marahan ko siyang tinulak.  Naiilang kasi ako sa posisyon namin. Gwapo at mabait si Kaz kaya hindi malayong magkakagusto ako sa kanya, pero hindi pwede dahil matalik niyang kaibigan ang ex-husband ko, ang taong hanggang ngayon ay nagmamay-ari ng puso ko. Ayoko ring maging parang bola na pinagpasahan ng magkaibigan kaya kung sakali mang iibig akong muli, pipilitin kong hindi kay Kaz yun.




*Kaz's POV*


Nawala lahat ng galit ko nang sinalubong ako ng yakap ni Patricia kaya hindi ko siya masumbatan sa hindi niya pagsipot kagabi. Alam ko ring kagagawan yun ni Stuart kaya kung may sisihin ako, si Stuart yun.


Lalo akong nainis kay Stuart dahil mauudlot nanaman ang plano kong lunch date namin ni Patricia. Gumagalaw na talaga siya at talagang inunahan niya ako. Nahagip naman ng mga mata ko si Stuart na papunta sa kinaroroonan namin kaya may naisip ako para mainis siya. I requested an eskimo kiss from Patricia at sinadya ko talagang bagalan ang pagkagawa nun para isipin ni Stuart na I shared an intimate kiss with his ex-wife.


Gusto niya ng maruming laban? Puwes hindi ko siya uurungan. Sinayang niya ang pagkakataon niya noon kaya oras ko na ngayon.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon