Chapter 10 - Lunch Date

642K 10.6K 919
                                    

*Stuart's POV *

Kanina ko pa tinitigan ang bag na nakalapag sa office table ko. Ewan ko ba kung bakit naisipan kong sabihin sa kanila na ako na lang ang magbibigay nito sa may-ari.  Di ba ayaw ko siyang makita? Bakit ako nagpaka-gentleman at sinabing ako na ang magbibigay sa kanya nito?  Aist! Bakit ba naman kasi siya tanga para umalis kagabi at iniwan ang bag niya?

Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na tignan ang laman nito kaya binuksan ko na. Napangisi ako nang makita ang laman nito. Ano ba naman ang ini-expect kong makita sa bag niya? Natural namang may face powder, lip balm at wallet, di ba? Teka – bakit hindi niya dala ang paborito niyang perfume? Sa naalala ko noon, hindi siya mapakali kung hindi niya dala yung Elizabeth Arden na Green Tea scent. Ugh! Bakit ko ba yun  naalala? Di ba dapat wala na akong pakialam dun?

Na-didistract ako sa presensiya ng bag niya kaya naisipan kong tawagan ang sekretarya ko para ipaabot sa may-ari ang bag na ito.

"Sir, ipaalala ko lang na ngayong lunch po gaganapin ang privilege lunch meeting mo sa mga top performing employees ng kompanya sa buwang 'to," untag ng sekretarya ko habang kinuha ang bag.

Privilege lunch meeting – nakasanayan na ng kompanyang ito na i-treat ang top performing employees sa isang privilege lunch with the CEO. Idea ito ni daddy at sinunod ko nalang kasi nakakatulong naman talaga ang magandang raport sa empleyado kaya agad akong sumagot na, "Okay. I will be there."

"Sir, gusto niyo bang ipasok ko ang mga personal data ng mga makakasama mo sa lunch para naman po makilala niyo sila?" tanong niya bago umalis sa harapan ko.

"Yes, please."

Inihatid ng secretarya ko ang files na sinasabi niya kanina. Tinanggap ko 'to at agad namang napansin ang isang folder na may label na – Patricia Sandoval.

Napakunot ang noo ko dahil dito. Iisa lang kasi ang ibig sabihin nito, ang tiising makasama nanaman ang lintang babaeng yun. Napasandal ako sa swivel chair at napahilot sa aking sentido. Napakabilis talagang kumilos ng babaeng yun. Malamang alam niyang may ganitong programa ang kumpanyang 'to kaya bina-bribe niya siguro ang mga supervisors niya para makasama sa lunch na ito.  Hindi na talaga siya nagbago. Mautak at laging nangunguna.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kailangan ko nanamang gumawa ng paraan para siguraduhing malayo ang uupuan niya sa pwesto ko. Kung mautak siya,mas lalo akong mautak dahil hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa plano niya ngayon.

"Good afternoon, Mr. Cordoval," bati sa akin ng mga empleyadong naghihintay sa akin sa long table.

Nakangiti naman ako ng matamis habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng function room kung saan ginanap ang privilege lunch meeting namin. Hindi ko alam pero parang nadismaya ako nang makita kong walang naka-upo sa silyang ipina-assign ko kay Patricia.

"Lahat ba ay nandito na?" tanong ko sa assistant ko.

"Yes, sir. Maliban po sa ilang empleyadong hindi makarating dahil may mas importanteng lakad daw," sagot nito sa akin.

Mas importanteng lakad? Impossibleng palampasin ito ni Patricia kaya siguro male-late lang yun. Oo nga, may pagka-primadona ang babaeng yun. Gusto niyang mapansin kaya siguro magpapa-late yun para nakatuon sa kanya ang pansin kapag pumasok na siya sa function room.

Lumipas na ang isang oras at na-iserve na rin ang dessert pero walang dumating na Patricia Sandoval. Napangisi ako sa isip ko ng maalala ko si Kaz. Mukhang nagtatagumpay ang kaibigan ko sa pinaplano niya pero hindi rin maalis ang pagkamausisa ko dahil gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ni Kaz para mapanalo ang kasunduan namin. 

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon