Chapter 38 - The Lady in Red

565K 8.8K 458
                                    

*Patricia's POV*

Isang linggo na ang lumipas mula noong nadagdagan ng pagiging bedwarmer ang trabaho ko kay Stuart.  Ang totoo, nasanay na rin ako na araw-araw kong ipina-alala sa puso ko na huwag masyadong umasa. Kahit maingat siya, nasasaktan pa rin ako dahil alam kong walang bahid na pagmamahal ang ginagawa niya sa akin. 

Napangiti na lang ako nang buksan ko ang drawer.  Kumikilos nanaman ang mystery guy ko. Tumambad kasi sa akin ang isang maliit na kahon na may nakapikit na pamilyar na note.  May numerong 31 ito sa taas at letrang "R" ang naka-watermark dito.  Pangatlong beses ko na akong nakatanggap ng ganito.  Noong lunes, numerong "7" at letrang "O" habang kahapon naman ay numerong "18" at letrang "E".  Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang mensaheng dala ng mga numero at letrang nakalagay sa mga notes.  Wala pa kasi akong mabuong salita sa mga yun.

Nasa kalagitnaan ako sa aking pag-iisip nang maaninag ko ang isang babaeng nakasuot ng pulang leather jeans, puting tank top at pulang blazer.  Dark brown ang buhok nito na naka-messy bun habang naka-shades na mas lalong nagpapansin ng kanyang pulang labi.  Taas noo itong naglakad at akmang lalagpasan sana ako nang maisipan ko siyang harangin.

"Excuse me, sino po ang hinahanap mo?" mataray kong tanong.

"I'm on my way to Stuart's office so natural, si Stuart ang hinahanap ko," mataray din siyang sumugot.

"I am sorry but you'll have to wait while I'll inform hi–"

"He expected me," putol niya sa sinasabi ko at saka ako nilagpasan.

"Didn't you hear what I have just said, idiot?" naiinis ako dahil sa inasal niya. Huwag na huwag siyang magpakamaldita dito kasi hindi ko siya uurungan.

"What did you just say?" mataray niya akong hinarap.

"I said you are not allowed to get in his office unless I confirm your appointment to him," inirapan ko siya.

"Didn't I tell you that he is expecting me?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Aren't you familiar of office etiquettes?" tinaasan ko rin siya ng kilay.

"I have no time for those formalities," sabi niya saka nagpatuloy sa paglakad kaya agad ko siyang hinarangan.

Sino ba ang babaeng ito at bakit ang lakas ng loob na basta basta lang pumasok sa opisina ni Stuart?

"I am just following office protocol so sit down and wait, idiot!" galit kong sinabi.

"How dare you call me an idiot?" mejo tumaas ang boses niya, "you can't call me like that! You can call me anything you want, just don't call me idiot!"

"Really?" napangisi ako, "B-I-T-C-H!" tawag ko sa kanya na nagpaawang naman ng kanyang bibig kaya agad akong ngumiti ng matamis sa kanya, "So nagkakaintindihan na ba tayo, BI-TCH?" diniinin ko ang tawag ko sa kanya habang tinuro ko ang couch kung saan siya dapat umupo.

Mula sa pagkagulat ay agad siyang nagsmirk saka kinuha ang kanyang cellphone. May idinial siya saka may kinausap, "I'm here but could not get through your secretary."

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Stuart, "Libra!" tawag niya sa babaeng nakapula. Hindi naman ako nakagalaw nang agad siyang lumapit sa babae at niyakap ito na para bang miss na miss na niya ito.

"I am sorry about my secretary," narinig kong sabi niya, "pasok muna tayo sa opisina ko."

Nakaramdam ako ng kirot, no scratch that, nakaramdam ako ng malaking kamay na piniga ang aking puso sa sobrang sakit.  Hindi ko kilala ang babaeng tinawag niyang, Libra.  Sino ba siya? Siya kaya yung totoong mahal ni Stuart?

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon