Chapter 39: You Guys Messed With A Wrong Guy

128 5 2
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)


•   •   •

Isang hapon, naisipan kong puntahan muli si James sa pinagttrabahuhan nya para mangamusta. Nagbabakasakaling mabago ko ang kanyang isip at bumalik na sya sakin.

Ilang sandali habang naghihintay ako sa harap ng building nila, lumabas na si James. Nanlaki ang mata nito habang ako naman ay napangiti.

Nang biglang may kasunod pala sya sa kanyang likuran. Si Rico. Sobrang seryoso ang mukha. Tila nagtitimpi ng galit.

"Anong ginagawa ng lalaking to rito?" galit na tanong ni Rico kay James habang dinuduro ako.

"Dont tell me..."

"...close na kayo ulit, James? Huh?" natatawang sabi nito pero galit pa rin ang tono.

"Teka..."

"...siguro ikaw yung nagpapadala dito ng kung anu-ano kay James no??" galit na sabi ni Rico habang papalapit sakin.

Ginagantihan ko lamang sya ng sama ng tingin. Dahil nasa isip ko, itong kaharap ko ang taong madalas manakit kay James. Sya rin ang dahilan kung bakit ngayon ay tinutulak na ko palayo ni James. Napakasarap basagin ng mukha ng mokong na to!

"Oo. Tama!" habang winawagwag ni Rico ang kanyang hintuturo.

"Ikaw lang naman ang nakakaalam ng paboritong flavor ni James ng milk tea bukod saken. Wala ng iba haha." natatawang sabi ulit nito pero mararamdaman mong galit na galit ito.

Maya maya pa'y bumira ng isang malakas suntok si Rico sa aking mukha. Hindi ko yun inaasahan kaya agad naman akong napadapa sa sahig.

"Rico, tama na!!! Ano ba!??" galit na sabi ni James na agad humarang dahil balak pa kong mas bugbugin pa ni Rico.

"Huh!"

"So siya yung kinakampihan mo? Haha."

"Tumabi ka jan!" gigil na sabi ni Rico at pilit lumalampas sa pumapagitan ni James.

Galit na galit si Rico at gustong gusto nya pa talaga akong upakan pero ginagawa ni James ang kanyang makakaya para lamang pigilan ito.

Hindi ako agad makatayo sa kinalalagyan ko sapagkat nahihilo pa rin ako sa suntok ni Rico. Kaya naman wala akong magawa kundi ang makinig sa sabay na pagsasalita ni James at Rico

"TAMA NA, RICO! ANO BA?!??"

"TUMABI KA, JAMES, KUNG AYAW MONG PATI IKAW MASAKTAN."

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon