Chapter 31: Gustong Gusto Kitang Saktan!

118 5 5
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

[writer's note]
i recommend you guys to read this on a very peaceful, quiet time and place, without any distraction, so you guys could feel every line.
anyway, thank you for making it here.
enjoy this chapter! 😊💙

•   •   •

Natapos na rin ang sem na yun. Kahit papaano, nakahinga na rin si Bing ng maluwag dahil hindi na daw nya kailangan pang makipag-deal kay James.

Dumaan ang 4th year ng wala kaming balita kay James. Nakakasalubong ko sya minsan, pero ganun pa rin e, di pa rin kami makatingin sa isa't isa.

Nakakapagtaka na nung graduation ay wala syang natanggap ni isang award, knowing James na napakatalino. Pero nakita ko naman sya sa LCD screen nung umakyat sa stage at tumanggap ng diploma.

Matapos ang graduation, wala na talaga akong balita sa kanya. Isang taon ko na syang hindi nakikita. Nakablock pa rin ako sa mga social media nya.

Kami naman ni Bing ay napapadalas na rin ang pag-aaway, dahil ayaw na ayaw nyang maririnig ang pangalan ni James.

Medyo madalas ko kasing nababanggit ang pangalan ni James. Kapag naaalala ko sya sa isang bagay, kapag tinatanong ko sya kung posible pa ba kaming tatlo na  bumalik sa dati, at iba pang instances. Agad syang mawawala sa mood at kung minsan ay magtatantrum pa.

Hindi ko alam kung dala ba ito ng galit nung naging kagrupo nya ito, o selos?

Pero bakit naman sya magseselos?

[September 2017]

Naglalakad ako sa isang mall nang biglang lumabas si James sa isang fast food kasama ang mga kaibigan nya. Kaya naman nabigla ako at napatigil sa paglalakad.

Nakita kong nagpaalam sya sa mga kaibigan nya. Maglalakad sana sya sa way kung nasaan ako pero napahinto sya at nagkatinginan kami.

~   •   ~

"Kamusta?" pagbabasag ko sa katahimikan habang nasa balcony kami ng  mall at nanonood sa daloy ng trapiko.

"Okay lang." maikling sagot nya at hindi pa rin tumitingin ng deretso sakin simula pa nung magkita kami.

Sa totoo lang, nag-uumapaw ang kasiyahan ko na pumayag syang nakipag-usap sakin. Hindi ko talaga ineexpect to. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko, buo na ko ulit?

"James, Im sorry." bungad ko.

"Im very, very sorry, James. Alam ko, sobrang dami kong kasalanan sayo. There's not a single day na hindi ako nagsisi sa lahat ng ginawa ko."

"Im always hoping for this day na makaya kong iharap ulit ang mukha ko sayo, at magsorry. Sana mapatawad mo ko."

"Gustong gusto kong bumalik tayo sa dati. Kung pwede ko lang irewind at bumalik tayo sa high school, gagawin ko." pagmamakaawa ko kay James.

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon