Chapter 23: Ano Ba Naman Yan, Mac!?

80 3 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

[mini montage]

"Uy Mac, tara kain tayo. Bumili ako ng ginataang sitaw at kalabasa tsaka isda oh. Para sating dalawa." yaya ni James habang naghahanda sa mesa.

"Ah sige lang. Kumain na ko bago ako umuwi dito. Salamat." sagot ko na may kasamang ngiti.

~   •   ~

"Uy Mac, tabi tayong matulog?"

"Gusto kong may kakwetuhan ngayon hanggang sa makatulog e haha."

"Ang tagal na nating di ginagawa yun." yaya ni James saken habang nagccellphone ako sa upper bunk bed namin.

"Ahhh..."

"Eehhh..."

"Nakapwesto na ko e."

"Next time na lang." naiilang kong sagot kay James.

~   •   ~

"Mukhang hirap na hirap ka jan ah? Ano bang di mo maintindihan jan, baka matulungan kita?" tanong ni James dahil siguro napansin nyang nakakunot ang noo ko kaiintindi sa algebra na ito.

"Ahh ehhh sige lang. Okay lang."

Gusto ko sanang matutunan to ng sarili e. Salamat na lang." nahihiya kong sagot kay James.

•   •   •

Ilang buwan ko na ring inilalayo ang loob ko kay James.

Ayoko kasing kahit sa maliit na bagay, bigyan ng malisya ng mga roommates namin at asarin ako sa kanya.

Hindi ko kasi gusto na husgahan ako ng mga tao. Ayokong maging less ang tingin nila saken.

Kaya naman kahit ayaw ko, kailangan kong isakripisyo ang pagkakaibigan namin ni James.

Isang araw habang tahimik akong nakahiga at nakatambay sa kama ni James, at nagccellphone, nang bigla kong napansin ang padabog na pagbagsak ni James ng kanyang bag sa sahig. Kaya naman nagtaka ako at napabangon.

"Ano ba naman yan, Mac!?"

"May sarili kang kama pero halos araw-araw kitang sinasabihan na wag kang tumatambay sa kama ko!"

"Nakahiga ka na nga, nakahubad ka pa!Ang dali tuloy marumihan ng bedsheet ko!" sigaw ni James saken.

Nakita kong nagtitinginan ang iba naming roommates samin na nakatambay sa mesa sa kusina. Bakas sa mukha nila ang gulat dahil siguro sa asal ni James.

Tumaas ang dugo ko kasi pakiramdam ko ay napapahiya ako, kaya naman..

"Oo na! Bunganga naman neto oh! Pwede mo namang sabihin ng maayos!" pasigaw kong sagot kay James.

"Bakit??"

"Araw-araw kitang sinasabihan ng maayos, pero hanggang ngayon ginagawa mo pa rin!" sigaw din ni James saken.

"Txngina parang yun lang e noh???"

"Sayo na yang kama mo! Lamunin mo!" galit na galit kong sabi kaya naman dali-dali akong umakyat ng aking kama.

Ramdam ko ang init sa buo kong katawan. Ramdam na ramdam ko rin ang matinding galit dahil sa pamamahiya ni James saken.

"Mac, tara. Bili tayong pagkain sa baba." yaya ni Kuya Em saken kaya naman agad kong kinuha ang wallet ko at sumunod sa kanya.

•   •   •

up next

Chapter Twenty Four
Kuya Em

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 27, 2020 at 1:35pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon