Chapter 34: I Dont Deserve It

109 5 2
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

• • •

Pagkasara ko ng pintuan ng taxi at maihatid si Bing ay magpapatuloy sana ako sa paglakad. Pero nakita ko si James na tila gulat sa kanyang nakita. Nangingilid rin ang mga luha nito. Kaya naman nang magkatinginan kami ay nagmadali itong tumalikod at naglakad.

"James!"

"James!"

"Teka."

"James wait!"

"Let me explain!" paghabol ko dito sapagkat ang bilis ng inilalakad nito. Kaya naman tumakbo na ako.

"LET ME EXPLAIN!" ang naisigaw ko nang humarang ako sa kanyang daraanan. Tila nagpatintero kami ng ilang sandali, marahil gustong makalampas ni James at ayaw ng pakinggan pa ang aking mga sasabihin.

"It's not what you think James." mahinahon kong sabi sa kanya.

"It's not what you think?"

"It's not what you think????"

"TANG INA MO!!!" galit na bungad nito sakin habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"E ano yun!?? Kung lingkisin ka nung babaeng yun?? Napakasweet nyo sa daan habang sinusundan ko kayo ng tingin!" dagdag pa nito.

"Mac, ano ba? Hanggang kelan mo ako lolokohin? Sabi mo wala na kayo ni Bing? Sabi mo, gusto mong ibalik sa dati ang lahat?"

"Pero bakit kailangan mo akong lokohin?? Bakit kailangan mong itago sakin na kayo pa pala ni Bing?" sabi pa ni James habang patuloy sa pag-iyak.

Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mukha. Alam kong darating talaga ang oras na ito, pero di ko ineexpect na ganito pala kasakit. Tang ina! Nasaktan ko nanaman ang taong minamahal ko. Nakikita ko nanaman syang umiiyak. Pero wala akong magawa. Wala akong masabi. Tang ina talaga!

"Mac, please let me go."

"Please."

"For God's sake! Tigilan mo na ko!"

"Tigilan nyo na ko ni Bing!!!"

"Hayaan nyo na kong mahamik. Parang awa mo na. Ayoko na talaga, Mac."

"Wag mo na kong saktan ng saktan. Coz I dont deserve it." sagot ni James at tuluyan na itong lumampas.

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon