Chapter 42: Hindi Ka Pa Rin Ba Tapos Rico?

107 6 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

[James' POV]

There's a rainbow always after the rain ika nga.

Alam mo yung satisfying feeling tuwing nakakakita ka ng rainbow?

Ganun yung feeling.

Pero syempre, so much more, kasi real life experience to.

The type of storms we've been through, we cant just stay at home and wait for it to stop. Hinarap talaga namin yun.

Kaya ngayon, sa rainbow part, sobrang saya.

Sobrang tamis!

Every color, every hue, ever inch ng rainbow na to, is very gratifying.

Sana forever ng ganito.

~   •   ~

One afternoon, pagka-out ko sa office.

I was waiting for Mac kasi palagi kaming umuuwi ng sabay sa condo namin. Pero sobrang tagal nya. Wala naman syang text or chat if mauuna na syang umuwi.

*Ring*

*Ring*

Unknown number?

Hmmm...

Baka si Mac? Nakitawag lang?

Kaya naman sinagot ko ang cellphone ko.

"Hello?" bungad ko.

"Hello? Hello, James? Si James ba to?" natatantang bungad ng isang babae sakin.

"O-oo. Bakit?"

"S-sino to?" nagtataka kong sagot.

"Si Agatha to. James l-" ang naputol nitong sasabihin.

"O Agatha! Kamusta?? Bat ngayon ka lang nagparamdam??" nasasabik kong sagot.

"Okay lang. Pero makinig ka muna, James."

"Mac called me, takot na takot!"

"Hindi nya daw alam kung pano, pero nasa isang warehouse daw sya, nakakulong sa isang kwarto dun!" natatarantang kwento ni Agatha.

"Ha!?" gulat kong sabi pero patuloy pa rin sya sa pagsasalita kaya naman di ako makapagtanong ng mga gusto kong malaman.

"Good thing is nakalimutan atang kunin sa kanya yung cellphone nya kaya nakacontact sya agad saken."

"Buti na lang siguro letter A pangalan ko kaya baka ako agad nacontact nya."

"Pero the point is puntahan mo sya! Itetext ko sayo yung address." natatarantang paliwanag ni Agatha.

"S-sige."

"Taxi! Taxi!"

"Im on my way." natataranta kong sabi habang pinapara ang dadaan na taxi.

"Hurry!!!" ang huling sabi ni Agatha bago natapos yung phone call.

Sheeet. Ano nanaman ba??

Hindi pa rin ba tapos ang lahat?

Hindi ka pa rin ba tapos Rico?

Bakit ba ayaw mo kaming tigilan??

"Mama, pakibilis naman oh. May taong nanganganib ang buhay." utos ko sa driver kaya naman mas binilisan pa nito ang pagddrive.

Nang makarating ako sa location, nakita ko ang isang abandonadong warehouse. Kahit takot na takot ako ay buong tapang ko itong pinasok.

Dahan dahan lang ako sa paglalakad at patuloy ang pagtingin sa paligid para malaman kung may masamang tao ba ang nag-aabang sakin.

May nakita akong liwanag sa isang room sa bandang dulo kaya naman naisip kong baka nanduon si Mac.

Maingat ko pa ring tinunton ang kwarto na iyon. At nang makarating ako sa pintuan, dahan-dahan kong binuksan ito.

Sobra akong nagulat sa aking nakita.

•   •   •

up next

Chapter Forty Three
Paano Kung Ma-inlove Sayo Ang Kaibigan Mo?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 31, 2020 at 11:06pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon