Chapter 19: ID

77 5 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Enrollment season na.

Napagdesisyunan namin nila James at Bing na pumasok sa parehas na school sa pare-parehong mga kurso.

Baka sakaling maging magkakaklase ulit kami at mas tumibay pa ang pagkakaibigan naming tatlo.

"Hello Minda?" narinig kong bungad ni mama sa telepono habang naglalaro ako sa cellphone ko sa salas.
"Ah James, si Minda?"

"Ahh. Naku... pwede bang isama nyo si Mac sa pagluwas nyo? Kailangan ko kasing kumukha ng kopya ng death certificate ng papa ni Mac, e yung kakilala ko sabi mas mabilis daw yung pila sa Miyerkules, kasabay ng pagluwas sana natin."

"Ahh talaga? Sige salamat ha! Kayo na munang bahala kay Mac. Pakisabi na lang rin kay Minda."

"Salamat James. God bless." paalam ni mama sabay patay ng telepono.

Miyekules.

Alas-tres pa lang ay umalis na kami nila James at Tita Minda. Takot kasi kaming maipit sa traffic.

Nang makarating kami sa school na eenrollan namin...

"Makiki-iwan na lang po ng ID tapos ito po yung visitor's pass nyo." sabi ng isa sa mga guard sa entrance.

Shit.

Wala akong dalang ID!

Nakalimutan kong iempake yun sa bag!

Bad trip naman ohh!

"Mac, ID mo?" tanong ni Tita Minda.

"Naku, tita..."

"Wala po kasi akong dala e."

"Kahit anong halughog ko sa bag ko, wala po akong makitang ID." nahihiya kong paliwanag kay tita.

"Hala, pano yan?" nag-aalalang sabi ni tita.

"Sir, baka naman po pwedeng makalampas itong pinsan ko?"

"Taga-Batangas pa po kasi kami."

"Talagang sinadya lang po naming lumuwas ngayong araw."

"Madaling araw pa po kami lumuwas at kailangan rin po naming makauwi ngayong hapon kasi wala kaming matutulugan." pagpapaliwanag ni James sa guard na ikinabigla ko naman.

"Ma, may extra ID ka ba jan?" tanong ni James kay tita na agad namang iniabot ni tita ang isa pa nyang ID.

"Pwede po bang ito na lang?"

"Magkakasama naman po kami e."

Please po, sir?"

Para naman po hindi masayang yung pagluwas namin." pagmamakaawa pa ni James.

Nakita ko sa mukha ng guard na naawa ito kaya naman pinayagan nya ang kahilingan ni James.

Nakita ko ang isang saya sa ngiti ni James nang marinig nya ang pagsang-ayon ng guard.

Nagpasalamat naman kami sa guard dahil sa kabutihan nito.

Lunch time.

Sa isang fast food restaurant.

"Sige Mac, upo ka na lang jan."

"Reserve mo na lang yung upuan natin. Kami na ni mama ang oorder."

"Ano ba sayo?" tanong ni James. Kaya naman sinabi ko ang order ko.

Nang makabalik sila kasama ang order. Napansin naming wala pala akong kutsara at wala ring gravy yung order ko.

Hindi ako sanay umorder sa mga fast food sa totoo lang kasi hindi naman ako madalas kumain sa ganito.

"Ay wala kang kutsara at gravy?"

"Sige ako na kukuha." giit ni James, dahil alam nyang di ako sanay kumausap sa cashier.

Ito talaga yung nagustuhan ko kay James.

Kahit malilit na bagay, dahil sa sobrang dami, nagiging malaking bagay na rin ito saken.

Napakabait at maalaga talaga nitong si James.

Paano bang di ka mahuhulog sa ganitong tao?

Sobrang saya ko na maipagpapatuloy namin ang pagkakaibigan namin sa kolehiyo.

•   •   •

up next

Chapter Twenty
Magjowa Ba Yun?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 26, 2020 at 9:04pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon