Chapter 40: Happy Ending

110 8 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Isang malalim na gabi. Tahimik akong naglalakad sa isang kanto malapit sa aking tinitirhan. Kinailangan ko kasing mag-overtime sa trabaho para sa gaganaping event bukas, kaya naman ngayon lang ako nakauwi.

Konti na lang ang tao sa paligid. Halos wala na nga e. Di na rin ganun karami ang sasakyan na dumaraan.

Maya-maya pa, may isang mabilis na van ang daraan sa aking kasalubong kaya naman dali-dali akong gumilid. Pero tumigil ito sa aking harapan.

Agad na bumaba ang dalawang lalaki at tinakpan ang aking mukha ng itim na tela. Mabilis ang mga pangyayari kaya naman hindi ko sila namukhaan. Pinilit kong magpumiglas pero masyado silang malakas.

Nang makapasok kami sa van ay agad na may pinaamoy saken gamit ang panyo, kaya naman nanghina ako at nawalan na rin ng malay.

~   •   ~

Wala pa rin akong makita pagkamulat ng aking mata sapagkat nakapiring na ang mga ito. Nakaupo ako sa silya habang nakagapos ang aking mga kamay at mga paa.

"Sino kayo!??"

"Anong kailangan nyo saken!??" sigaw ko kahit di ako sigurado kung may tao ba sa paligid.

"Aba. Gising na pala ang bata natin." sabi ng isang lalaking hindi pamilyar ang boses kaya naman nagulat ako nagtaka.

"Bata, balita namin manunulot ka raw?" tanong ng isa pang lalaki na ramdam ko ay malapit lamang kanyang mukha sa aking mukha.

"Ano bang ginawa sa mga manunulot pre?" tanong nito sa kanyang kasama.

"Ganito ba?" sabay palo ng makapal na kahoy sa aking sikmura. Kaya naman natumba ang aking inuupuan at kasama akong nalaglag sa lakas ng palo nya.

Nagtawanan sila habang ako naman ay namimilipit sa sakit. Tila namanhid ang buo kong katawan at di na ako makagalaw pa. Pinilit kong gumapang na parang uod, nagbabakasakali na ako'y makawala kaso...

"O, saan ka pupunta? Nagsisimula pa lang tayo." sabi ng isang lalaki sabay sabunot sa aking buhok na sinundan pa ng isang malakas na suntok sa aking mukha.

Sobrang nahilo ako sa ginawa nyang yun kaya naman napasuka ako. Pero base sa aking nalalasahan, dugo ang lumabas sa aking bibig.

Binigyan nila ako ng magkakasunod na palo ng dos por dos na kahit saan na lang ito pinapatama sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay mapaparalisa ako sa kanilang ginagawa. Hindi pa sila nakuntento at pinagsisipa rin nila ako. Halos wala na kong maramdaman nung mga oras na yun.

*Ring*

*Ring*

Ang bigla kong narinig nang matapos nila akong parusahan. Tila may tinatawagan sila.

"Hello." sagot ng nasa telepono, nakaloudspeaker kasi kaya ko naririnig.

"Boss, palulubugin ba natin to o palilitawin?" sabi ng isang lalaking nambubog sakin.

"Hahaha. Wag. Bad yun."

"Gusto ko lang turuan ng leksyon yan." sagot ng nasa telepono.

"Pakausap nga ako." dagdag pa nito, kaya naman inilapit nila ang telepono sa akin.

"Ito na boss." sabi ng may hawak ng cellphone.

"Huh. Nakita mo na."

"Kayang kaya kong kunin ang buhay mo sa isang iglap."

"Leksyon lang yan para sa pamamahiya nyo saken ni James. Para na rin sa pang-aagaw mo. Hahaha." sabi ng lalaki sa telepono. Sa tingin ko ay parehas tama ang ating iniisip, si Rico yun.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap pero nagsimula na itong humina sa aking pandinig at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Ito na ba yung sinasabi ni Kuya Em? Maghihiwalay rin kaya kami ni James ng hindi nalulutas ang lahat?

James, sana mapatawad mo ko. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat. Lagi kong hinihiling na sana makasama kita ulit hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata.

Pero it sucks na hindi ikaw ang huli kong nasilayan. It sucks na umabot sa ganito ang lahat.

I think I deserve it.

.  .  .

Yes, I deserve it.

Nagsimula kong makita ang tila flashback ng lahat na nangyari sa buhay ko. Yung araw na nagkita kami ni James. Mga oras na nakikita ko ang matatamis nyang ngiti at pagtawa. Ang una naming halik. Ang mga oras na tabi kaming matulog. Yung gabi na sobra ko syang nasaktan. Yung umalis sya ng dorm. Yung panahong nasaktan ko sya dahil kay Bing. Yung mga oras na kahit anong habol ko sa kanya, ayaw na nya talaga. At yung huling pagkakataon na lumakad sya paalis habang nakahandusay ako sa sahig.

Ang pangit.

Hindi happy ending.

If I could only turn back time talaga. I will, James.

I will.

And I promise na simula sa una kong naramdaman yung nararamdaman ko sayo, I will confess it to you right away.

Nagsimula na rin akong makakita ng liwanag. Kaya naman inihanda ko na lang ang sarili ko sa kung ano mang mangyayari.

•   •   •

up next

Chapter Forty One
What Could Possibly Happen?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 31, 2020 at 21:24pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon